04

19 0 0
                                    

Chapter 04

"Inna, kinakabahan ako!" pagmamaktol ko sa kaibigan ko na wala namang imik at nginingitian lang ako.

Tapos na ang meeting at naglalakad na kami ngayon papunta sa assigned room ng Yellow team para puntahan si Favy.

"Hoy! Bakit ba kasi ang tahimik mo?" singhal ko pa sa kaniya. "Kailangan ko ng comforting words ngayon, Inna Jane!"

Pagda-drama ko pa sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.

Ano ba naman 'tong kaibigan ko, Papa Jesus! Please give her the will and strength to talk, kahit ngayon lang po!

Mukhang nadinig ni Papa Jesus ang hinaing ko dahil nakita kong tumigil siya sa paglalakad at bumuntong-hininga, senyales na ready na siya magsalita. Sabik ko siyang tiningnan para malaman niyang hinihintay ko talaga ang sasabihin niya.

"Lana, you're fine. Kumalma ka muna. Ikaw ang pinili nila, right? Ibig sabihin tou have what it takes! You are pretty! You have the potential," mahinahong sabi niya na para bang siguradong-sigurado siya.

Napabuntong-hininga naman ako, patuloy na kinalma ang sarili at naglakad na kami ulit. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang kaba ko.

Bakit nga ba?

Hay... Kakausapin ko nga si Latch mamaya tungkol dito. Kailangan ko din ng opinyon niya.

Nang makarating kami sa classroom ng Yellow team ay naghintay muna kami sa labas. Hindi pa kasi sila tapos.

Sumilip ako nang konti at nakita kong nakatayo sa harap si Favy at Primo. Mukhang naiilang ang kaibigan ko at si Primo naman ay parang wala lang.

Para saan iyon?

Bumalik na ako sa tabi ni Inna at naghintay na lang kami. Nang matapos sila ay nakita ko si Favy na iritang naglalakad papunta sa amin. Patay.

"Anong nangy-"

"Ginawa nila akong Muse! Ayaw ko! Hindi ako aattend! Bahala sila!"

Grabe... Nakikita ko 'yung imaginary usok na lumalabas sa ilong niya. Natatakot akong magtanong at baka masapak ako. Mabilis siyang nagmartsa paalis. Susundan ko na dapat siya nang biglang akong mabunggo kay Latch.

"Oh? Nagmamadali ka ata?" kunot-noong tanong niya sa akin.

"Wait! Si Favy kasi! Mamaya na lang!" Nagmamadaling sabi ko sa kaniya.

Hindi ko nga alam kung narinig niya nang maayos yung huling sinabi ko dahil nagsimula na akong tumakbo.
Gusto ko pa sana kausapin si Latch pero kailangan kong sundan si Favy. Mukhang kailangan niya ng kausap.

Hinanap ko pa siya saglit sa canteen. Pupunta na sana ako sa court nang makita ko siyang nakaupo sa school bench mag-isa.

Tumigil ako sa pagtakbo at naglakad na lang papunta sa kaniya. Mukhang ayaw niya nga talaga maging Muse, hindi naman ganito 'to eh. Umupo ako sa tabi niya. Napansin niya naman ako pero hindi pa rin siya umiimik.

"P'wede ka namang umayaw. Sabihin mo sa Team Coach niyo," mahinahong sabi ko sa kaniya.

Tiningnan niya pa ako saglit pero agad din naman niyang binaba ang tingin. Napabuntong-hininga siya at hinilot ang kaniyang sentido, mukhang stressed.

"Nainis lang ako, Lana. Nagulat nga ako dahil tahimik lang naman ako sa harap! Tapos bigla akong nadamay? Si Primo pa ang ka-partner ko! Hangin nga lang ata ako ro'n eh, paano kami aarte bukas na mukha kaming close?!" pag ra-rant niya pa sa akin.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now