09

9 0 0
                                    

Chapter 09

"Aray! Dahan-dahan!" aniko nang maramdaman ang tela sa aking sugat.

"Yes, yes, stay still," Gab said like he's concerned and in panic at the same time.

Mariin ang pagkakagat ko sa aking ibang lalabi nang balutan niya iyon ng panyo. Naluha ako. He looked at me. I looked back at him with teary eyes. Nanlaki ang mata niya.

"Masakit pa rin ba?" The panic in his voice is evident. "Sabihin mo kapag kaya mo na tumayo, okay?"

Kinalma ko pa muna ang sarili ko at pinakiramdaman ang sugat ko. Ang hapdi niya talaga! Akala ko kasi hahabulin ako ni Favy!

"Pa'no 'yung panyo mo?" tanong ko sa kaniya.

"Don't worry about it. Panyo lang 'yan." He smiled.

Alam ko na dati na may gusto sa akin si Gab. Hindi ko nga lang alam ngayon. Grade 5 pa lang ay naririnig ko na ang usap-usapan ngunit hindi ko pinapansin. Nag uusap naman kami dati ngunit hindi ganito katagal.

"Kaya mo na ba tumayo?" he asked.

Pinakiramdaman ko pa muna kung masakit iyon. Nang kaya ko na naman ay tumango ako sa kaniya. Tumayo naman siya at naglahad ng kamay.

"Bakit ka nga pala nadapa?" tanong niya nang lumusot siya sa braso ko para makaakbay ako sa kaniya.

"Uh, nagmamadali kasi ako bumaba tapos nalaktawan ko pala 'yung pang huling hakbang." Natawa po ako nang bahagya sa katangahan ko.

"Uy! Paano nga pala 'yung klase mo?" ggad kong tanong nang maalala kong mag ta-time na pala at may klase pa kami pareho.

"Dadalhin muna kita sa clinic para magamot 'yan." Sabay nguso niya sa sugat ko.

Gaya ng sabi niya ay dinala niya nga ako sa clinic. Natagalan pa kami dahil ang bagal ko. Marami rin ang tao sa hallway kaya pinagtitinginan kami.

"Thank you, Gab." I gave him a smile when he sat me down the clinic bed. "Okay na ako rito, balik ka na sa klase mo at baka malate ka."

"Tinataboy mo naman agad ako," pagbibiro niya.

Nakita niyang sumimangot ako sa  kaniyang sinabi kaya natawa siya.

"It's fine. Hintayin na kita para may kasama ka pabalik." Nginuso niya pa ang sugat ko.

"Pero-"

"Okay lang talaga, Ylana," nakangising sabi niya habang naghalukipkip at pinanood ang Nurse sa ginagawa.

"What happened? Ang laki ng sugat mo," sabi ng Nurse sa akin.

Hindi ko na siya sinagot dahil ayaw kong malaman niya ang kalampahan ko dahil sa pagtakbo ko sa hagdan at dahil hindi ko na rin magawa pang mag salita sa sakit na nararamdaman nang galawin niya ang sugat ko.

Iniinda ko pa ang sakit habang nililinis iyon ng Nurse nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng clinic.

Bumungad doon ang isang Latch na hinihingal pa. Tumakbo ba siya?

"Latch-"

"What happened?" kunot-noong tanong niya at tumingin sa sugat ko.

Nagtagal pa iyon doon hanggang sa nilipat niya ang tingin sa akin at sa lalaking nakahalukipkip at naghihintay sa gilid. Mas lalong kumunot ang noo niya kaya nagsalita ako.

"Uh, siya 'yung tumulong sa'kin, Latch." Sabay tingin ko kay Gab.

Nginitian niya si Latch ngunit tiningnan lamang siya nito. Napawi naman ang ngiti ni Gab at tumingin pa sa akin bago pinanood na ulit ang Nurse.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now