26

7 0 0
                                    

Chapter 26

"Punyeta ka!" Kinuha ko ang malapit na throw-pillow sa sofa at hinampas iyon kay Favy, "May pa-'wag kang mag-alala'-'wag kang mag-alala ka pa riyan, oh ano? Ano nangyari sa 'tin? Bwisit ka!"

"Aray ko! Oo na, sorry na!" Huminto ako sa paghampas sa kaniya kaya kinuha niya s akin ang throw-pillow. "Na-distract ako kagabi, okay?!"

"Muntik na ako ma-kidnap, alam mo ba 'yon?!"

"Ang OA mo nakauwi naman tayo nang buo!"

Kumuha ulit ako ng throw-pillow at hinampas sa kaniya iyon nang malakas. Bago pa siya matamaan ay tumakbo na siya papunta sa likod ng kitchen counter ng apartment ko.

Tatakbo na sana ako papunta sa kaniya kaso hinagis niya iyong hawak niyang throw-pillow at sumigaw ng, "Tumigil ka na! Sorry na nga, eh! Nakauwi naman tayo, 'di ba? Magpasalamat na lang tayo, p'wede ba?"

I gave her a mocking face before I dropped what I was holding.

Sobrang sakit pa ng ulo ko at halos wala akong matandaan sa nangyari kagabi pero nagawa ko pa siyang hampas-hampasin gawa ng inis ko. Iwan niya ba naman ako kagabi sa club dahil "na-distract" siya? Sinong mabuting kaibigan ang mag-aaya mag-club tapos kapag nalasing iiwan sa kung saan-saan? Hampasin ko siya netong sofa, eh.

"Ang mature, ha," puna niya sa ginawa kong mukha. 

"Valid 'yung galit ko, okay?" Tinaas niya ang dalawa niyang kamay, sumusuko. "Gosh, hindi ko alam kung maniniwala ako na ikaw pa nag-uwi sa 'tin! Sigurado akong lasing ka na no'n, ako nga bangag na, eh," singhal ko pa sa kaniya.

Pagkagising ko kasi kanina inaasahan ko na sa ibang kuwarto ako nakahiga at hindi sa apartment ko. Ang huling natatandaan ko sa nangyari kagabi ay may nakausap akong lalaki nang hindi ko mahanap si Favy. Akala ko ay pagmulat ko ay nagkasala na ako pero buti na lang at hindi. Ang kuwento ni Favy sa akin ay nahanap niya raw ako kagabi at siya pa ang nag-drive sa amin pauwi. I doubt that she could even walk straight last night, let alone drive. There are obviously loopholes in her story.

"Excuse me? Sinasabi mo bang mas malakas ka uminom kaysa sa 'kin? Sa akin, Ylana? Hello? Ako 'to, oh!" Nakaturo pa ang kaniyang hintuturo sa kaniya. "And please lang 'wag ka ngang mapagduda. Sige nga, sino mag-uuwi sa atin, ha?"

Inirapan ko siya. She smirked, claiming victory.

"Still!"

"Oh, please, Ylana. Let it go!"

"Fine!" I glared at her.

Mabigat ang hakbang ko papunta sa kitchen. Hapon na at hindi pa kami kumakain dahil kakagising lang namin. Sabi niya mag-order na lang daw kami but I insisted to cook to somehow cure my hangover. I find cooking relaxing now. I figured that out when I learned how to. I learned to cook in New Zealand, because of Josh.

I wonder what he's been doing lately. He hasn't been calling. He seems... too busy. Too preoccupied to even follow his girlfriend here like he promised.

I sighed. 

Pagtapos ko magluto ay naabutan kong tulog si Favy sa sofa at naghihilik pa. Even when asleep she still looked stern yet so peaceful; like calm and chaos merged together in harmony.

I wonder if she still want Primo. They've been together for years, I'm sure it's not that easy to unlove someone less than that — if unloving is even possible. I mean they basically grew together. From elementary till college graduation, there was a strong foundation. Even I know that's almost impossible to abandon.

I just hope it's them till the end. I know Primo loved her like she was his whole world. Even now, I still see it in his eyes. Same with Favy. 

Kapag sila nga ang nagkatuluyan, hinding-hindi na ako manghihinayang sa naging pagkakaibigan namin ni Latch. Kung wala iyon ay hindi mapaglalapit nang ganito ang mga mundo ng aming mga kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now