00

74 5 4
                                    

Prologue

"Ylana! Suko na ako! Panalo ka na, lumabas ka na!"

Tahimik akong napahagikgik sa sulok ng bakanteng lote na pinagtataguan ko nang marinig ko ang boses ng aking matalik na kaibigan.

Kanina pa kasi ako hinahanap ni Latch. Siya kasi ang taya sa amin sa tagu-taguan at ilang minuto na ang nakalipas ay hindi niya pa rin ako nahahanap. Kanina pa ako naaawa sa kaniya pero isinantabi ko iyon dahil natutuwa din naman akong nakikita siyang nahihirapan sa paghahanap sa akin.

"Nasaan na kaya 'yon?"

Bulong pa niya nang mabigo dahil pagkatapos niya sumigaw ay hindi pa rin ako nagpakita. Impit ulit akong natawa sa kaniya at sa tono niyang naiirita na nag-aalala.

"Aray ko! Ouch!"

Agad akong napatayo at nagkamot nang maramdaman ko ang sakit ng kagat sa akin ng mga langgam.

Ang dami palang langgam dito! Ngayon ko lang napansin! Kung sana ay doon na lang ako nagtago sa kabilang sulok edi sana ay mas matagal ko pang naenjoy ang paghahanap sa akin ni Latch. Ano ba 'yan, Ylana! Sayang!

"Hoy! Kanina pa kita hinahanap nandiyan ka lang pala! Oh? Anong nangyari sa'yo?"

Nagulat pa ako nang pumasok siya bigla sa loob ngunit binalik ko na lang ulit ang pansin sa pagkamot sa mga pantal dahil sa kagat ng mga langgam. Muntik pa akong matumba nang hawakan niya ang isang kamay ko at hinatak ako palabas doon.

"Bakit kasi doon ka pa nagtago, ha? Pwede ka naman doon sa likod ng puno! Masyado mo naman kasing ginagalingan."

Nagawa niya pa akong irapan habang patuloy pa rin ang paghatak sa akin pabalik sa bahay namin.

Ang bait din talaga ng isang 'to at nagawa pa akong sermonan. Palibhasa hindi niya ako mahanap.

"Eh malamang! Kung doon ako nagtago edi nakita mo ako kaagad? Gamitin ang utak, Latch Rylon!"

Buti na lang at tuloy pa rin siya sa paghatak sa akin kaya hindi niya nakita ang pag-ikot ng dalawa kong mata. Kung nakita niya 'yon paniguradong uusok na ang ilong nito.

Ganito kasi siya sa akin lagi. Kapag nakikita niya akong nasasaktan ay laging nagagalit. Ang OA! Akala mo naman siya 'yung nasaktan!

Kahit noong maliit pa lang kami ay overprotective na siya sa'kin. Para ko na 'tong anino. Paano ba naman eh simula ata noong natuto akong maglakad eh kasama ko na ang isang 'to. Mag kaibigan kasi ang Mommy namin at halos magkasunod lang din ang araw noong ipinanganak kami kaya naman tuwang-tuwa sila dahil parehong may baby. Babae at lalaki pa! Kami ata ang ginawa nilang libangan noon.

Simula noong magka-malay kami ay siya na lagi ang kasama ko. Mapa-birthday parties, school events, first communion, kumpil, lahat na! Ka-share ko pa nga ata 'to ng tsupon dati eh!

Nakakapagtaka nga at kahit sa tagal-tagal na naming magkasama ay nagagawa ko pa rin na pagtiisan siya, lalo na 'yang ugali niyang ganiyan. Ni minsan ay hindi ko naisip na itakwil siya bilang kaibigan kahit na may mga panahon talagang gusto ko na siya sakalin sa sobrang bossy niya.

Nasanay na lang talaga ako dito kay Latch. Aaminin ko rin naman na hindi ko kaya nang wala siya sa tabi ko. Siya kasi lagi ang tumutulong sa akin sa assignments ko. Siya rin ang tagapagtanggol ko simula noon. Nandiyan siya tuwing kailangan ko ng kasama, ng kalaro, taga-turo, at syempre, kapag kailangan ko ng kaibigan.

"Nakikinig ka ba sa'kin, Lana?"

Naputol ang aking pag-iisip nang tanungin niya ako. Hindi ko namalayan at nasa tapat na pala kami ng bahay namin. Nakaharap na siya ngayon sa akin at nakakunot ang noo.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now