05

12 0 0
                                    

Chapter 05

"Go Latch! Go Primo! Go Nico!"

Sunod-sunod na cheer namin ni Inna. Si Favy kasi ay tahimik lang na nanonood simula noong magsimula ang game. Siya itong nagmamadali pero wala man lang energy para mag-cheer!

Nandito kami ngayon sa open court, sa babang bleacher. Maaga pa naman kaya hindi pa masakit sa balat ang araw.

"Hala!"

Sabay kaming nataranta ni Inna nang matumba ang isang ka-team nila Latch. Nasiko ata! Tumayo naman kaagad ito nang ilahad ni Latch ang kamay niya.

Nag time-out muna kaya tinawag ko muna si Latch, malapit lang naman kami sa upuan nila kaya ayos lang. Tumakbo siya sa akin habang nagpupunas ng pawis.

"Oh. Sa'yo 'yan. Inom ka muna." Sabay bigay ko sa kaniya ng bottled water.

"Thanks, Lana," sabi niya at uminom na doon. Tumulo pa ang kaunti.

"Go! Doon ka na! Galingan mo ah!" Ngumisi lang siya sa akin. Hinawakan niya ako sa ulo at ginulo ang buhok ko.

"Hoy! Ang epal mo!" sigaw ko sa kaniya nang tumakbo na siya pabalik sa upuan nila.

Nakita ko pang may sinabi siya sa mga ka-team niya, including Primo and Nico. Pati na din doon sa maliliit. Ilang segundo pa at tumunog na ulit ang buzzer.

Ayan na!

Pumunta na ulit sila sa loob ng court at pumwesto. Sa Yellow ang bola. Nakita kong ipinasa iyon kay Primo at nashoot. Siniko ko sa Favy na ngayon ay nakahawak na sa kaniyang bibig at mukhang seryosong seryoso.

"Aray! Teka!" singhal niya sa akin habang hindi pa rin inaalis ang mata sa laro. Hinawi niya pa ako kaya tumawa na lang ako.

Tutok na tutok ata siya? Daig niya pa ang Team Coach nila, ah!

Pagkatapos noon ay naging abala na kami sa panonood. Sumasakit na rin ang lalamunan ko dahil sa pag-cheer. Paminsan-minsan naman ay napapatalon din si Favy. Fourth quarter na at lamang ang Yellow!

Pinanood ko kung paano dalhin ni Latch ang team niya. Magaling din umalalay si Primo at Nico. Isang beses lang ata pinalitan si Latch at Primo kaya naman mabilis nila nahahabol ang score. Sila talaga ang nagdadala dahil ang ibang kasama nila ay galing na sa lower grade.

"Oh my gosh! Yehey!"

Napatalon kami ni Inna nang tumunog ang buzzer. Panalo sila!

Pumalakpak pa kami ni Inna habang naglalakad papunta kila Latch. Sa gilid ko naman si Favy na mukhang nakahinga na nang maluwag.

"Ang galing mo, Latchy-boy! Congrats!" sigaw ko sa kaniya habang nakapulupot ang kamay ko sa leeg niya at natalon.

Natawa naman siya habang nakayuko dahil sa akin. Ilang talon pa at binitawan ko na rin siya at baka nahihirapan na makahinga. I wrinkled my nose and smiled at him with my hand in the air. Inapiran niya naman ako.

Binati ko rin sila Primo at Nico pati na rin ang iba pa nilang teammates. Si Inna naman ay nakangiti sa tabi ni Favy na nakikipag-apir naman sa mga batang ka-team nila.

Nagulat ako nang akbayan ako ni Latch bigla. Nagpalit na siya ng t-shirt ngayon at hindi na rin siya gaanong pawis. Naka-akbay pa rin siya sa akin habang naglalakad kami.

"You did great!" sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami, nakasunod kila Favy, Inna, Nico at Primo.

"Ginalingan mo rin kanina eh, edi ginalingan ko rin." I gave him my widest smile at nag-apir ulit kami. Natawa pa siya nang konti.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now