12

11 0 0
                                    

Chapter 12

Mabigat ang loob ko habang nagsasayaw. It doesn't feel natural, like I'm just dancing for the performance to end. Parang hindi tama.

My first performance was not supposed to feel like this, it was supposed to be unforgettable. Well, it is. Because I don't think I will ever forget how my best friend ditched me for the first time. At the day I first danced infront of a crowd. 

"Sunog na ata ako! Because you're on fire, girl!" Rinig kong sigaw ni Favy nang matapos ang sayaw.

Pinalakpakan muna kami bago kami bumaba ng stage. Dinumog kami ng papuri sa backstage ngunit ngiti at 'salamat' lamang ang maibigay ko sa kanila. I don't think kaya kong makisabay sa kasiyahan nila ngayon.

Nang matapos ang program ay pinaglibot-libot na lang ang lahat para mag saya at pumunta sa mga booths at food stands. Nag ayos muna ako ng sarili bago pumunta sa mga kaibigan ko. Nang makita ko sila ay agad na tumakbo sa akin si Favy.

"Oh my gosh! You did sooooo good!" Ang haba naman ng 'so' niya.

"Thanks, Fav." I gave her a smile before I looked at the others. "Thank guys."

They smiled at me widely while clapping dramatically. Umiling-iling pa si Nico habang pumapalakpak nang mabagal. Natawa ako nang bahagya sa kanila. At least they were there to support me. I should be grateful for that.

Iniwanan ko muna sila sa canteen dahil kailangan ko munang bumalik sa classroom kung nasaan ang mga co-dancers ko. Kumpleto na sila noong dumating ako, ako na lang ang kulang.

"Whooo!" Panimula ni Ate Sam at nakisabay naman ang lahat habang nagtatatalon kami. "Ang galing niyo mga babygirls!"

Nag-group hug kami habang umiikot at tumatalon. Sinubukan ko munang kalimutan ang bigat na nararamdaman ko at sumabay sa katuwaan nila. Ayaw ko naman maging killjoy.

"Ang galing-galing ng mga bagong baby ko!" Niyakap kami ni Ate Sam isa-isa. "And damn, Ylana! You set the stage on fire!" Tiningnan niya ako bago yakapin ulit.

"You all did your fiercest and for that, congratulations to us! Practice harder and never cease your passion, burn in them!" I admire her so much.

Ilang pictures pa ang ginawa namin bago kami nagpaalam sa isa't isa at nagkaniya-kaniya na.

Tahimik akong bumababa sa hagdan dala ang aking tumbler at suot ang aking bag nang may biglang humawak sa pulsuhan ko.

"Lana..." It was Latch.

Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at nagpatuloy na sa paglalakad nang bigla niya akong hawakan ulit.

Malakas kong hinawi iyon at naglakad na ulit. Ngunit bigla siyang sumulpot sa harap ko kaya napahinto ako sa paglalakad. Sinubukan kong iwasan siya pero hinaharang niya ako.

Pagod akong huminga bago umirap at nag iwas ng tingin. Ayaw ko siyang kausapin.

"Hey..." he called to get my attention.

Umirap ako ulit nang hindi pa rin siya hinaharap. Naiinis ako sa kaniya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko. Baka sa galit.

"I heard you set the stage on fire," mahinahon niyang sabi habang hinahanap ang mga mata ko.

He heard, huh? Kasi wala siya ro'n!

"P'wede tumabi ka?" I looked at him with my cold eyes. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

Nang hindi pa rin siya tumabi ay sinubukan kong maglakad sa ibang direksiyon ngunit pinigilan niya ako. Padabog kong hinawi ang kamay niya.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now