16

8 0 0
                                    

Chapter 16

I still can't believe I'm secretly crushing on my best friend.

I couldn't stop thinking about that night. It was magical and scary at the same time. I'm scared of my feelings for him.

Paano kung lumalim? Paano kung malaman niya? That would ruin our friendship! The friendship we have for years!

"Huy!" Napatalon ako sa gulat, "Anong sabi ng mga aliens sa planetang napuntahan mo? Mukhang ang layo ng narating ng isip mo eh."

I rolled my eyes at her, "I-text mo na lang si Primo kung nasaan na sila, nahihilo ako."

"Wow, mukhang nabugbog 'yang brain cells mo kakaisip, ah! Akala ko nga may galit ka na d'yan sa bote, kanina mo pa tinititigan." Favy scrolled on her phone.

Nasa covered court kami ng subdivision namin dahil niyaya ako ni Favy manood ng laro nila Primo. Noong una hindi ako pumayag dahil panigurado kasama si Latch, pero hindi niya ako tinantanan kaya wala akong nagawa.

Besides, baka mahalata ni Latch na iniiwasan ko siya nitong mga nakaraang araw. Baka maghinala pa 'yun.

"Ayan na sila." Tinago niya ang cellphone niya at napaayos naman ako ng upo, "Hi, panget!" She waved at Primo.

Hindi ko tiningnan kung nasaan si Latch dahil ayaw kong mahagip ang mga mata niya. Kinuha ko ang bote ng tubig sa harap ko at ininuman iyon. Muntik ko nang maibuga ang nainom ko nang sumulpot siya bigla sa harap ko.

"Hindi ko alam na pupunta ka," sabi niya bago umupo sa tabi ko at nagsuot ng sapatos. Sasabihin ko din sanang hindi ko rin alam pero hindi ko na tinuloy.

"Ah! Oo, si Favy kasi nagyaya," I sounded awkward I want to run, "May bet 'to?" I had to change the topic. Kinakabahan ako!

I almost flinched when he looked at me, good thing he didn't notice, "Yeah. 1000."

"Ahhh..." Ang haba naman no'n, Ylana!

Tumingin ulit siya sa akin bago bumaba sa bleachers at tinuro ang gamit niya, "Pakibantayan, thanks." He pinched my cheek and smiled. Natulala ako. Shit.

Ano ba 'yan, Ylana! Kumalma ka nga, parang tanga!

Umupo si Favy sa tabi nang nakangiti. Nang mapansin niyang nakatulala ako ay siniko niya ako, "Hoy! Bakit ba kanina ka pa natutulala? Nasisiraan ka na ba ng bait?"

Oo, Favy Ann. Nasisiraan na ako ng bait.

"Boba, manahimik ka nga! Kino-contact ko tatay mo sa Mars." Sabay irap ko sa kaniya.

Sigaw ng sigaw si Favy nang mag-umpisa ang laro habang ako naman ay nakatakip ng tenga. Ang ingay niya! Ganiyan ba talaga kapag may boyfriend?

Bigla kong naisip ang sarili kong sinusuportahan si Latch sa bawat laro niya habang may dalang banner at nasigaw. I felt myself blush.

Hala, ang harot ko!

Tahimik lang akong nanonood kay Latch. Minsan kapag tinitingnan ko siya ay nagtatama ang paningin namin. Iniiwas ko naman kaagad iyon, kunwari may kukunin akong kung ano sa gilid ko.

Tuwing time-out naman ay inaabutan ko lang siya ng tubig and he would stare at me while he's drinking. Hindi ko alam kung sinasadya niyang titigan ako lagi o na-pa-paranoid lang ako.

Noong natapos ang laro ay bumaba ako kaagad habang dala ang gamit niya. Kinabahan ako kaagad nang makita ko siya palapit. Nagulat ako nang bigla niyang hubarin ang pantaas niya sa gilid ko at mabilis na nagpalit.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now