Epilogue

51.7K 2K 451
                                    

#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1

EPILOGUE

LUCIENNE'S POV

Nag-angat ako ng tingin muli sa laptop na nasa harapan ko nang makarinig ako ng mga kaluskos sa labas ng bahay. Nasundan iyon nang tila mga bulungan at ilang mga galabugan. Hindi naman ako natakot kahit na iyon dapat ang unang maging reaksyon kapag mag-isa ka sa bahay at hating-gabi na.

Bukod sa baseball bat ko na laging nasa may tabi ng pintuan, stun gun na niregalo sa akin ni Thorn, at alarm system na may panic button na nakakonekta sa Dagger at sa pulisya, ay wala naman kasi akong dahilan para mangamba pa. I never felt safe my entire life more than these past few months with Thorn. Mas lalo na nitong nakaraan na buwan.

Nakatanggap kami ng balita ni Thorn tungkol kay Nate. Yes, I still call him Nate. Gusto ko siyang maalala sa paraan na iyon. Hindi bilang si John na tanging bangungot lang ang dinala sa buhay ko.

We found that he committed suicide in the mental facility that he was in. Inipon niya lahat ang binibigay sa kaniya na gamot at sabay-sabay niyang ininom ang mga iyon. He overdosed and the staff found him late to bring him to the hospital.

Just like that... a life was wasted. I can't say that I'm happy about the news. I can't be happy about things like that. Because I know in the perfect world, he could have been a good person. Kung hindi nangyari sa kaniya ang mga pinagdaanan niya, ano kaya siya ngayon? Gaano kaya siya kasaya ngayon?

Siguro kasama niya ang sarili niyang pamilya habang ako ay magagawang ampunin nina Mama at Papa. Nate and I would grew up in a normal family. Without the mistreatment and the abuse on his part from his real family, and I wouldn't have lost my adopted parents. Kahit kasi sa isa pang bersyon ng mundo namin ay gusto ko pa rin makita ulit ang kinilala kong mga magulang.

I know I should hate Nate for what he did but I can't do that. Dahil masaya na ako ngayon sa kabila ng lahat nang pinagdaanan ko dahil sa kaniya. I can't live my life with bitterness when I have so much to be grateful for.

So I forgave him. Pinatawad ko siya sa lahat ng mga bagay na ginawa niya. I forgave him because I deserve that. To be completely free from him.

Nahila ako mula sa malalim na iniisip nang makarinig ulit ako nang pagkalabog. Tumayo ako mula sa sofa at lumapit ako sa pintuan at may pinindot na buton malapit doon. Kunot ang noo na tinignan ko ang maliit na screen na nakakabit sa pader nang makita ko si Thorn kasama ang mga kapatid niya. Nakasabit ang magkabila niyang braso kay Gunter at kay Pierce na para bang hirap na hirap na iayos siya ng tayo.

Kaagad kong binuksan ang pintuan at sa pagtataka ko ay hindi lang ang tatlo ang inabutan ko sa labas kundi lahat ng mga kapatid niya.

Kaniya-kaniya sila sa paggawa ng paraan para manatiling nakatayo. Maliban kay Trace na kasalukuyan nang nakasalampak sa sahig at iwinawasiwas ang kamay sa hangin na para bang may kalaban na hindi namin nakikita.

Dagger Series #1: UnwrittenWhere stories live. Discover now