Chapter 10: Three Seconds

47.2K 1.9K 376
                                    


#DS1U #LuThor #DaggerSeries #DS1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#DS1U #LuThor #DaggerSeries #DS1

CHAPTER 10

LUCIENNE'S POV

Nanginginig ako sa kinatatayuan ko na para bang kinukuryente ako at hindi ko magawang itigil ang isa kong paa sa pagtapik no'n sa semento habang ang mga mata ko naman ay tutok na tutok sa pinapanood ko. Paminsan-minsan ay gumagalaw ang kamay ko na tila hindi nakakonekta sa katawan ko dahil hindi sumusunod iyon sa mensahe na pinapadala ng utak ko.

"So bright." I whispered while my eyes are still transfixed on the television

Bahagya na akong nahihilo sa ginagawa ko at sa pinapanood ko dahil bukod sa umaalog-alog ang katawan ko ay nasisilaw talaga ang mga mata ko sa nakikita ko sa pinapanood ko. Hindi kasi sanay ang buong pagkatao ko na makakita ng mga taong sobrang liwanag.

At sobrang kulay. Bakit kaya sa kanila ibang tignan?

Ginaya ko ang ginagawa ng mga babae sa harapan ko at iginalaw ko ang katawan at mga kamay ko pero katulad ng ilang beses ko ng ginawa sa paulit-ulit kong pag replay sa kanta na ito ay para pa ring disconnected ang mga kamay ko na hindi malaman ang gagawin.

"Wew! Pang isang taon na exercise ko na 'to ah!"

Nagpatuloy ako sa pagsayaw kahit na alam ko na malabong nagagaya ko ang mga sumasayaw sa telebisyon. The mind is a powerful thing. Kung hindi ko magawa iisipin ko na lang na nagagawa ko dahil baka magkaroon ng himala na magawa ko nga. Kahit malabo.

"Yes. I can see her now."

Napatigil ako sa pagkorte ng question mark gamit ng hintuturo ko katulad ng ginagawa sa pinapanood ko nang marinig ko ang boses ni Thorn. Nilingon ko ang direksyon ng binata at nakita kong nakapasok na pala siya ng bahay.

Nasa labas kasi siya kanina at may kinakausap sa cellphone niya. Mukhang importanteng bagay ang pinag-uusapan nila dahil may dala pa siyang laptop at earphones kaya imbis na istorbohin ko siya at kulitin para mawala ang pagkainip ko ay pinaglaruan ko na lang ang smart TV.

Which by the way I'm amazed. Napaka-smart na talaga ng mga bagay ngayon.

"Hi Bossing!" bati ko at inulit ko ang pagkorte ng question mark sa hangin. "Galing ko no?"

Ibinaba niya ang cellphone niya na nakatapat pa rin sa tenga niya at bumuka ang mga labi niya na parang may sasabihin pero naunahan ko siya ulit ng kinuha ko ang remote para i-rewind ang pinapanood ko kanina. Nang mahanap ko ang napansin ko kanina ay hininto ko iyon sa parte na iyon at muling humarap kay Thorn.

"Alam mo kung anong tawag dito?" tanong ko at lumapit pa ako sa TV para ituro ang tinutukoy ko. May suot kasi na sumbrero na puti ang babae pero imbis na normal na cap ay parang tela lang iyon na hindi malaman. Nakakita na ako no'n dati pero nakalimutan ko ang tawag.

Dagger Series #1: UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon