Chapter 7: Feud

45.8K 2K 335
                                    

#Dagger1Unwritten #LuThorn #DaggerSeries #DS1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#Dagger1Unwritten #LuThorn #DaggerSeries #DS1

CHAPTER 7

LUCIENNE'S POV

Why would you hide a face like this when millions of men could kill for it?

Halos hindi kumukurap na nakatitig lang ako sa salamin sa harapan ko habang paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Thorn kaninang umaga. Hindi ko kasi talaga maintindihan kung anong ibig niyang sabihin at mukhang wala naman din siyang balak ulitin ang sinabi niya dahil mula pa kanina ay hindi niya ako pinagtutuunan ng pansin. Patuloy lang siya sa pag-aabala sa sarili niya sa laptop at cellphone niya. Partida na lang hindi pa rin niya ako iniiwan mag-isa kahit mukhang hindi niya ako gustong makasama sa iisang lugar.

Napapabuntong-hininga na hinawi ko ang buhok ko na kasinggulo na ng utak ko ngayon at pagkatapos ay inilapit ko ang mukha ko sa salamin. Ano kayang ibig sabihin ni Thorn kanina? Bakit naman makikipagpatayan ang kahit na sino para sa mukha ko?

"Ano kayang problema ng isang 'yon? Ano bang nakita niya sa mukha ko?" tanong ko sa sarili ko habang sinisipat ang sarili sa salamin. Nang hindi ako makuntento ay iniangat ko pa ang buhok ko na para bang itatali ko iyon sa isang ponytail pero nanatili lang akong nakahawak doon. "Uso ba sa panahon ngayon ang may landingan ng eroplano sa noo? Baka trend kaya nabighani si Bossing Thorn."

Napahagikhik ako sa iniisip. Sa gandang lalaki ba naman ni Thorn ay kahit airport ang tingin niya sa akin ay hindi ako magrereklamo. Landingan ng puso niya. Wew!

Kinurot ko ang magkabilang pisngi ko para bahagyang gisingin ang sarili ko. Mahirap na at baka tuluyang umasa ang naninibago kong pagkatao. Sa kabila kasi ng edad ko ay pakiramdam ko ngayon ko pa lang nararamdaman ang mga bagay na nakakaharap ko mula nang makilala ko si Thorn. Hindi naman ako ganito. Hindi ako iyong klase ng tao na nakakaramdam ng ganito...iyon bang kiligin.

Yuck. Feeling bagets, Lucienne?

Parang hindi ata bagay sa akin ang mga gano'ng bagay. Even so, these feelings are not entirely...unwelcome. Kasi pakiramdam ko ngayon ko pa lang nararanasan kung paano maging tao. Kung paano makiramdam katulad ng iba. Kung paano maging normal.

Nang slight.

Muli kong kinurot ang sarili ko bago ako nagpasiya na lumabas na ng banyo. Dumiretso ako sa sala pagkatapos kung saan naabutan ko si Thorn na kasalukuyang inililigpit na ang laptop niya at ilan pa niyang mga kagamitan.

"We're going out." sabi niya habang ang pokus niya ay nakatutok sa ginagawang pag-aayos ng mga gamit niya. Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. "Kung handa ka na pwede na tayong umalis."

Sanay akong hindi pinapansin ng mga tao. Hindi pala. Sanay ako na walang pumapansin sa akin dahil hindi naman ako na e-expose masyado sa tao. Kung makakasalamuha ko naman sila ay laging negatibo ang nagiging pagpansin nila sa akin.

Dagger Series #1: UnwrittenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon