Chapter 27: Box

37.4K 1.4K 221
                                    

#DS1U #LuThor #DaggerSeries #DS1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DS1U #LuThor #DaggerSeries #DS1

CHAPTER 27

LUCIENNE'S POV

Ramdam ko ang mga matang nakatutok sa akin pero pilit kong inignora iyon at sa halip ay nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Kailangan ko na kasing tapusin ito para hindi na maging problema pa sa susunod na mga araw.

Pero bakit ang hirap? Sanay naman ako na nakatapat sa laptop para magsulat pero for some reason nahihirapan akong magbasa gamit iyon. Pakiramdam ko nahihilo na ako sa pagkaduling lalo pa at ang dami kong mali na nakikita.

I felt the stare pointed at me got heavy as if more are joining to look at me. Naniningkit ang mga mata na nilingon ko ang pintuan ng kuwarto na kinaroroonan ko.

My fingers halted from moving fast across my keyboard, "What?"

Nagkaniya-kaniya nang iwas ng tingin ang mga kapatid ni Thorn at para bang naging abala sila bigla sa hawak nila na cellphone at paggawa ng kung ano-ano. Tanging si Thorn lang ang nananatili pa rin na nakatingin sa akin.

"Trace, walang agiw diyan sa ceiling. Ikaw mismo ang naglinis niyan kanina. Pierce, walang laman 'yang vase na 'yan. Hindi mo mahahanap diyan ang sagot sa global warming. Domino sa pagkakaalam ko peke pa rin iyang plastic na halaman na 'yan mula noon hanggang ngayon. At kayo na busy sa phone pwede sa labas niyo na gawin 'yan? Lalo ka na Coal. Hindi mo maiintindihan 'yang kausap mo kuno kung baligtad naman ang phone mo. Ikaw naman Thorn..." Nilingon ko ang binata na nag-aalala pa ring nakatingin sa akin dahilan para mapabuntong-hininga ako. "You know I love you but I also love my space. Hindi na ako makahinga sa inyo."

"You said it's okay for me to be here." mahinang sabi niya. I did say that earlier.

"Ikaw lang ang okay pero kung kasama mo ang mga kapatid mo eh di sana sa sala na lang tayo."

"Pwede ba?" singit ni Coal na nagtaas pa ng kamay habang nakadikit pa rin sa tenga niya ang nakabaligtad na cellphone.

"Hindi."

Nakapinid ang mga labi na bumalik sa pag-iiwas ng tingin ang lalaki nang bigyan ko siya ng matalim na tingin.

Kung tatanungin lang ako noon kung magagawa kong taray-tarayan ang mga kapatid ni Thorn na bukod sa malalaking tao ay para pang mga modelo sa sikat na mga magazine ay baka isang mabigat na "Hindi" ang isasagot ko.

"I know I look like a delicate flower. Ngayon pa na marunong na akong magtali ng buhok at nakikita niyo na ang kagandahan na kinakaadikan ng kapatid ninyo kaya kung naaadik din kayo sa mukhang ito ako na ang magsasabi sa inyo, ako lang ito." Tinapik ko pa ang tapat ng puso ko at tumango-tango ako sa kanila, "Ako lang 'to. Si Lucienne. Gore is still running through my veins and I can still kill, harass, or objectify you in my stories. Kaya 'wag kayong masyadong maadik sa akin-"

Dagger Series #1: UnwrittenWhere stories live. Discover now