Chapter 20: Bliss

39.3K 1.6K 199
                                    

#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

#DSU1 #LuThor #DaggerSeries #DS1

CHAPTER 20

LUCIENNE'S POV

Kalam ng sikmura ko ang gumising sa mahimbing ko na pagkakatulog. Paano ba naman kasi fiesta ata ang napanaginipan ko dahil puro pagkain ang naroon. Pasalamat na lang ako na hindi naging horror o thriller base na rin sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.

Nag-iinat na bumangon ako mula sa kama at tinignan ko ang orasan na nasa bedside table. Ala-sais pa lang ng umaga. Hindi na ako nagtataka na hindi mahaba ang naging tulog ko dahil nagugulo ang katawan ko sa iba na namang oras ng pagtulog ko. Kahit sabihin kasi na madaling-araw na kami naghiwalay ni Thorn ay kung ikukumpara iyon sa normal na tulog ko ay maaga pa iyon masyado. Dala na rin siguro ng stress mula sa mga pangyayari at sa pagod na rin ay nakatulog naman ako kaagad pagkabalik ko sa kuwarto.

Nagkakamot sa ulo na pumunta ako ng living room ng bahay. Nagpalingon-lingon ako pero hindi ko makita ang lalaki. Hindi kaya tulog pa? Pero maagang nagigising 'yon ah?

Tumuloy ako sa kusina at nagtingin-tingin ako roon ng pwedeng makain. Binuksan ko ang mga cupboard at nang hindi makuntento ay binuksan ko na rin pati refrigerator. Healthy-living din talaga si Thorn eh. Wala man lang akong makita na kahit na anong instant.

Unless kakainin ko na parang rabbit ang mga gulay sa ref ay sa tingin ko wala akong makakain na hindi ko kinakailangan magluto. Wala naman akong balak na dungisan ang pagkalinis-linis na kusina ni Thorn kapag nagtangka ako na magpasabog ng kamalasan ko sa kusina.

Nakangusong lumabas na lang ako ulit ng kusina bago pa ako sapian ng kung anong masamang espiritu at baka bigla ko na lang maisipan na mag experiment sa kusina ni Thorn. Tahimik ang mga hakbang na naglakad ako papunta sa kuwarto ng lalaki at bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay dahan-dahang kong tinulak ang pintuan niya.

Sisilip lang naman ako. Kapag tulog na tulog pa rin siya o-order na lang ako ng fast food. Nang tuluyan ko nang mabuksan ang pintuan ay napakunot ang noo ko nang makita kong nakaayos na ang kama niya at maingat ng nakatupi ang kumot na ginamit niya. Hindi na nakakapagtakang gising na siya dahil sa ilang beses kong nakasama si Thorn ay lagi naman siya ang nauuna sa akin na magising.

Hindi naman ako natatakot na wala siya sa bahay. Alam ko naman na ligtas ako rito sa bahay niya. Baka nga mas secured pa ang lugar na ito kesa sa dating safe house na tinuluyan namin. Nagugutom lang talaga ako at alam ko naman na magaling magluto ang lalaki. Siya naman kasi talaga ang nagluluto noong magkasama kami sa bahay noon.

"Nasaan na kaya 'yon?"

Saktong nakabalik na ako sa sala nang marinig ko ang pagtunong ng elevator. Nagmamadaling tumakbo ako palapit doon ng hindi na iniisip ang itsura ko para sana salabungin ang lalaki. Iyon nga lang nang bumukas ang pintuan ng elevator ay hindi si Thorn ang bumungad sa akin kundi ang isang lalaki na kamukha niya.

Dagger Series #1: UnwrittenWhere stories live. Discover now