"Uhmm...its symbol is Si, Sir?" patanong na sagot nito kay Sir. Halatang kinakabahan si Leira dahil hindi ito makatingin ng maayos kay Sir. Kinabahan tulot ako oara sa kaniya.

"And?"

"It's atomic number is 14?" patanong ulit na sagot nito. Shet! Kung hindi titigilan ni Leira ang sagot niyang 'yan na nagtatapos sa question mark, malilintikan kaming lahat!

"Give me a number."

"One." Leira said and sat down, breathing deeply.

"Ms.Alcantara, stand up!" Wait, did I just hear myself being called? Shít! I'm not prepared!

I collected myself first before standing up.

"Elaborate."

Huminga muna ako ng malalim bago ko inisip ang binasa ko kagabi. Kaya ko 'to, isang hinga na lang...kaya ko 'to.

"A tetravalent metalloid, less reactive than its chemical analog carbon." I recited.

"Source?"

"Uhmm...based on the modern periodic table, Sir." pagkatapos noon ay pinaupo na 'ko. Alam ko naman na hindi ako masyadong magaling sa chemistry dahil medyo hindi ko pinagtutuunan ang bagay na 'yon. Mas may isasagot pa ata ako kapag usapang Biology na.

Humupa ang tensyon sa loob ng classroom nang umalis na ang Adviser namin. Masasabi kong sobrang naka-hinga kami ng maluwag doon.

Ang problema ko na lang ay kung paano ko kakausapin si Renz. Tumanggi ako sa alok ni Leira na sabay kaming mag first break nang makitang papaalis na si Renz.

"Babalik ako." paaalam ko kay Leira na pinipilit pa rin ako. Sinundan ko lamang si Renz at natagpuan ko itong papasok sa Library.

Sumunod lang ako hanggang sa makapasok. Walang pakialam na nilapag ni Renz ang gamit niya sa table at umalis para maghanap ng libro.
Inilagay ko na lang din ang gamit ko malapit sa kaniya at sinundan siya.

Pumasok ito sa Fine arts section kaya't pasimple akong pumasok sa Literature section. Bawat yapak ng paa ay pinakikiramdaman ko hanggang sa huminto ito. Akma itong kukuha ng libro kaya kahit mahirap ay ipinuslit ko ang kamay ko mapigilan ko lang siya ngunit nakaramdam naman ako ng pagdidilim. Para bang may humara–

"Bakit nandito ka?" nagulat ako sa biglaang tanong ni Renz. Hindi man ako nakakulong sa pagitan niya ngunit hindi rin naman ako makagalaw.

Nagkamali nga ata ako dahil ang akala kong sinusundan ko ay si Renz, iyon pala ay iba. Inalis ko na lang tuloy ang hawak sa libro 'nung tao sa kabilang section at hirap na pinabalik ang kamay ko sa kung saan ito nagsusuot kanina.

Hinarap ko si Renz at pinaningkitan ng mata.

Hindi na muna ako sumagot nang makita kung gaano kalaki ang ipinundar niya sa eye bags niya. Gabi-gabi ba itong nagpupuyat? Sobrang mugto rin ng mata niya. Teka–what happened?

"You need sleep." I declared. Mabuti na lang at nakasagot pa siya kanina kay Sir! At saka, bakit hindi siya hiningan ng excuse letter kanina? May problema ba?

Hindi naman ito sumagot kaya'y naghintay lang ako ng ilang minuto hanggang sa nagtubig ang paligid ng mata ni Renz. Ilang sandali pa at basta na lang siya yumuko sa'kin para ituon ang noo niya sa balikat ko. Until I felt some drops of liquid.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Oo, normal naman at alam kong iyakin ang isang 'to. But he's damn serious right now, like he's crying for something he could never find a way to solvem

"Still breathing." sagot naman nito bago lumayo sa'kin. Humingi naman siya ng sorry sa biglaan niyang ginawa.

It's so stupid of me to ask how is he.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now