(DYKH) BLACK SHIRT

Start from the beginning
                                    

"Sa dorm niya–"

"PWEDE KA RON?!" nabibiglang tanong ko.

"Wala naman kaming ginawang masama."

"Kahit na ate! Babae ka! Ayos pa sana kung doon ka sa bahay nila Renz! May mga kasama kayo!"

"Tss, 'wag ka ngang OA!" saway nito matapos kong magdrama.

"Anong gusto mong isipin ko? Nag jack and poy kayo the whole night?" taas kilay na tanong ko.

" 'di lang naman ako yung natulog doon, kasama ko si Avril, saka 'yong si Elvin, tapos si Drenna! Kala mo kaming dalawa lang? OA talaga nito."

"Kayong dalawa diyan, malapit na tayo sa eskwelahan niyo, itigil niyo na 'yang pagtatalo." singit sa usapan namin ni kuya biloy, shet! Naririnig ni kuya lahat!

"K–kuya..." nangungusap kong tugon.

"Wala akong sasabihin, ayusin niyo muna 'yan." mukhang nakuha nito ang ibig sabihin ng mga mata ko. Sinulyapan ko ang labas, totoo ngang malapit na kami. Inihanda ko na ang aking sarili ganoon din naman si ate.

"Mamaya ate, ah?" tanong ko rito nang nakababa na kaming dalawa.

"Mmm, sige. 'wag kang maingay, ah?"

"Promise," siyempre, ano! Mahal ko naman ang kapatid kong 'yon!

Nagsimula na kaming maghiwalay ng landas, Ilang sandaling lakaran lamang ay sinalubong na ako ni Shai.

"GOODMORNING!" masiglang bati nito sa'kin.
I hugged her back.

"Taray ah, Energetic ka sa umaga!" puna ko sa saya nito at pareho naming nilakad ang daan patungong classrooom.

"Uy, 'lam mo ba? Nagchat kami kahapon ng crush ko."

" 'di nga? Seryoso?" My gosh! Sa wakas! Ilang araw ring nagrereklamo si Shai sa'kin na ni-si-seen lang ang message niya. Shet! Nagreply na!

"Oo! nalaman ko na agad kung anong oras siya natutulog!" sabay kaming nag–apir at tumawa. Parang mga baliw lang sa kalsada. Pero dahil pareho kaming maganda, hindi kami baliw lang. Nabibilang kami sa mga tinatawag nilang cute but schizophrenic

"Study about cells, tomorrow we have quiz. Goodbye, Genesis I" and our science teacher left.
Second period ang science namin. My schedule today is...

MONDAY

» Home room
» Science

» Break time

» Araling Panlipunan
» Mathematics
» English

» Break time

» TLE
» MAPEH

» Dismissal

"Bakit absent si Renz?" tanong ni Shai habang ako naman ay lumilinga sa kung saan at baka late lang iyong lalaking iyon.

"Baka late lang."

"Tapos na yung second period, late lang siya no'n?" naiirita na baling nito sa'kin, bakit nga ba kasi ako nagdahilan. Malamang! Absent nga, 'di naman pala absent 'yun, eh!

"Ewan ko 'run!" nahawa na rin ako sa pagkairita niya.

"Baka nga may girlfriend na..." bulong nito malapit sa'king tenga. Napataas ako ng kilay at binalingan siya.

" 'di pwede." tugon ko saka ko siya iniwan sa kung saan siya nakatayo. Mabilis naman itong sumunod sa akin.

"Uyy–pinagbabawalan!" asar nito sa'kin. Ilang beses ko siyang inirapan at sinaway bago pa namin matunton ang library! Gosh! Nagiinit yata ang mukha ko sa mga asar niya!

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now