Chapter 30: Present

Start from the beginning
                                    

After that Thorn and I travelled to the airport for about an hour and a half. Which bring us to now.

Nararamdaman ko ang tingin sa akin ng mga tao. Hindi ko sila masisisi. Sila kasi ay pang travel talaga ang mga suot habang ako ay parang cotton candy na nakatayo sa isang tabi habang nakangangang tumitingin-tingin sa paligid.

Anong magagawa ko kung bago sa akin lahat ang nakikita ko? Kakaapply lang ng passport ko two weeks ago kaya sigurado akong hindi kami pupunta sa ibang bansa. Unless balak akong ilagay ni Thorn sa luggage niya at ipuslit.

This is my first time being in an airport. Hindi pa nga ako nakakakita ng eroplano sa personal maliban na lang kapag may dumadaan at nasaktuhan na nakatambay ako sa garden ko sa dating bahay. I don't think that will count since the plane look like a small bird from where I was at before.

"Babe." Napapakurap na nilingon ko si Thorn na lumapit sa akin. May dala siyang dalawang papel. "I have our boarding pass."

"Boarding pass?"

"Yeah."

Kinuha ko ang inaabot niya at inilapit ko iyon sa mukha ko para tignan iyon. Amazing. "Saan nakakakuha nito?"

"There." he said and pointed at a machine. Sinundan ko ang tinuro niya at nakita kong may kaunting nakapila sa ilang mga machine na may malaking screen. Nagpipipindot lang sila roon at pagkatapos ay may lumalabas na printed ng papel. "You want to try?"

Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya pero natigilan ako nang maalala ko na meron na kaming boarding pass. "Meron na tayo eh."

"Pwede naman kumuha ulit." nangingiting sabi niya. Itinulak niya ang cart kung saan nakalagay ang mga bagahe namin. He moved his head on the side swiftly as if telling me to follow him.

Saktong umalis na ang huling nakapila kaya kaagad kaming nakalapit sa isang machine. Itinapat sa akin ni Thorn ang cellphone niya na may nakasulat na iba't ibang detalye. "Enter this numbers and your surname."

Sinunod ko siya at nagpipindot ako sa screen para mailagay ko ang numero na naka indika sa phone niya. After that I entered my surname Simons and the page directed to another one. Hindi ko na hinintay si Thorn at pinindot ko kaagad ang nakalagay na Print Boarding Pass.

I smiled with glee when after awhile the machine printed my new pass. "Awesome!"

"Hmm."

Nakangiting nilingon ko si Thorn at sa pagtataka ko ay parang may kung ano siyang iniisip habang titig na titig sa akin. "What?"

"We should work on that when we get back."

"Ang alin?"

"Your name."

Nalilitong nakatingin lang ako sa kaniya pero pagkaraan ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. I used my maiden name, Simons. I'm a Dawson now. "Umm... Simons pa rin ang nakalagay sa mga ID ko."

"Hmm."

"Okay fine." I said exasperatedly. "I forgot. Hindi pa ako sanay. But remember, I have Simons as my surname for twenty-six years. I have Dawson for a day."

Umangat ang sulok ng labi niya. He doesn't look pissed. More on he's like a man on a mission. Na para bang balak niyang ipaalala sa akin araw-araw na asawa na niya ako. Para namang aangal ako.

"Let's go check in our luggage so I can hold your hand."

Pakiramdam ko ay namula ang magkabila kong pisngi sa sinabi niya at sa pagkaraan nang pagkakasabi niya no'n. Mula kasi ng maikasal kami ay hindi ako nakakalayo na hindi siya nakahawak sa akin, nakayakap, o nakaakbay. He's always been like that even before but more especially today.

Dagger Series #1: UnwrittenWhere stories live. Discover now