Nagulat ako ng tumayo siya at mag-isa niyang binuhat ang tore ng mga libro. Bilib din naman ako sa lakas niya dahil sa payat niyang babae ay nakaya niya itong buhatin.

“T-thank you...” She blushed. Umiwas siya ng tingin sa akin na parang nahihiya kaya napangiti ako.

“No problem. Just take care next time,” I said and glanced at Carina and Sasha's direction, both of their eyes are almost popping out. “Tara na. Tapos na ang palabas niyo.”

Nauna na ako maglakad palayo kaya wala na silang nagawa kung hindi ang sumunod sa akin. Ramdam ko ang mga matang nakasunod sa akin pero wala akong pakialam.

“What the hell, Mia!?” Paghihimutok ni Carina mula sa aking likuran. “Why did you help that ugly creature? She should apologize me! Binangga niya ako!”

Marahas na lumingon ako sa kanya dahil sa pagkarindi. Kapal ng face niyang magsabi ng ugly creature. Why don't she try to look into a mirror first?

“Don't me, Carina!” inirapan ko siya. “Malinaw na malinaw sa mga mata ko na ikaw ang bumunggo sa kanya. Halata namang nagpapansin ka lang kay Deon,” tukoy ko sa captain ng basketball team. “T'ska matuto ka ngang mamili ng lalaki. Ano ba'ng mapapala mo diyan kay Deon? Guwapo nga, may putok naman!” ingos ko.

Carina violently gasped. “FYI, wala siyang putok! Palagi lang siyang pawisan because he's really hard working,” pagtatanggol niya pa.

I glanced at Sasha who has been silent because I knew that she knew that Deon really smelled different.

“Palibhasa magka-amoy kayo,” I whispered. I don't know if she heard it or not coz I don't care, anyway. “Huwag ka na ngang mag-inarte diyan. Hindi ka naman kagandahan.”

This time, they both gasped at what I've said. I flipped my hair with a sneering smile on my face. Tinalikuran ko muli sila at iniwan doon.

 

Pagkarating ko sa room ay pabagsak akong naupo sa usual chair ko. Umaga pa lang pero wala na kaagad akong gana. Wala kaming Prof ngayon kaya lahat kami sa classroom ay may kanya-kanyang ginagawa. I took my phone out of my pocket and checked all my social media accounts. I accepted and followed back lang ‘yong mga kakilala ko at pinabayaan ang ibang request na hindi pamilyar sa akin kahit naka-verify account.

Maria Castillo.

Mabilis kong in-accept si Ria nang makita ang mukha at pangalan niya sa friend requests ko sa Facebook. I opened her account and stalked her for a bit. Wala naman siyang masyadong post doon, hindi tulad ng mga kasing edad niya na parang oras-oras ay may post or shared post. Ang last post pa niya ay ang elementary graduation niya at ang palaging kasama niya sa picture ay ang Mama nila. Siguro si Dominic ang madalas na kumukuha ng mga pictures nila.

Speaking of him, may Facebook din kaya siya?

Hinanap ko siya sa friends list ni Ria ngunit hindi ko nahanap ang pangalan niya. I double-checked pero wala talaga akong nakita. Wala kaya siyang Facebook?

Parang impossible naman iyon sa panahon ngayon. I-message ko kaya si Ria at itanong ko? Pero parang nakakahiya naman. Bakit nga ba ako interesado sa Facebook niya? Pakialam ko naman, ‘di ba?

Annoyed, I turned off my phone. Lalong umasim ang mukha ko ng makita si Carina na nakikipag-halikan sa class president namin sa sulok ng classroom. Taena. Hindi na na takaga mapigilan?  Live show talaga sila, e. Class President pa mandin, isa pa ding pa-raffle.

   

 

 

Tapos na ang klase namin and I'm already waiting for Manong Jude. Balak kong magpahatid sa kaniya sa NeoBar upang kuhanin ang kotse ko. Baka nagsasawa na ang Baby ko sa parking sa NeoBar at maglayas na. Omg, I kennnat!

The Heir's RetributionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon