CHAPTER 2

2.6K 94 53
                                    

Chapter 2: DAMN GOOD

A bright rays of sunlight woke me up. Napa-ungol ako dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Pilit kong kinakapa ang favorite kong hotdog pillow sa tabi ko ngunit wala akong nakapa. Sinubukan kong kuhanin ang cellphone ko sa side table para sana tingnan kung anong time na pero wala akong nahawakang side table. And instead of cream color, wooden walls greeted me when I opened my eyes.

Ang singkit kong mata ay biglang nanlaki. Napabalikwas ako ng upo at doon ko nakumpirmang wala ako sa sariling room ko. I immediately checked myself and gasped to see that I was only wearing a bottom undie under the white blanket. Mabilis na hinigit ko ang kumot sa katawan ko upang i-cover ang lantad kong dibdib.

I rubbed my forehead and tried to remember what really happened last night. Wala naman akong matandaan bukod sa sumayaw ako at uminom buong gabi. The last thing I remember is that I was in the parking area and looking for my Baby Lambo. Hanggang doon lang.

Pinakiramdaman ang self ko at bahagyang nakahinga ng maluwag ng wala naman akong maramdamang kakaiba at hindi masakit ang pagitan ng legs ko. Ang sabi kasi nila, kapag first time mo daw na natusok nang talong ay masakit daw ang pechay mo kinabukasan.  

Bumangon na ako mula sa pagkakahiga kama. I looked down and saw a wooden floor. Pinagmasdan ko ang buong kuwarto and realized that it is a man's room. And I'm quite impressed. The room was simple and a little small but everything was well organized. Hindi gaya ng room ko na kung wala si Mana Senya ay tiyak na magmumukhang binagyo.

Nakita ko ang dress kong nakasabit sa pinto ng nag-iisang aparador sa loob ng room at agad na nandiri ng maamoy iyon. Siguro ay nasukahan ko iyon kagabi dahil sa sobrang kalasingan. 

Binuksan ko ang aparador at napapikit ng bumungad sa akin ang pang-lalaking amoy. And it actually smells good. Hindi ito matapang at masakit sa ilong as other men's scents usually smell.

I took a white T-shirt from there and put it on me. Umabot ang haba nito sa halos kalahati ng legs ko kaya't siguradong malaking tao ang nagmamay-ari niyon. Hindi ko na sinubukang kumuha ng short dahil alam ko namang luwag ang mga iyon sa akin.

Bigla tuloy akong napa-isip kung sino ba ang taong nagdala sa akin dito. Did he see me lying in the middle of the parking lot and unconscious so he brought me here?

Nakakahiya naman kung ganoon.

Inayos ko ang kamang hinigaan ko. Tumayo ako sa harap ng salamin upang magtanggal ng muta sa eyes at magsuklay ng hair gamit ang mga daliri ko bago tuluyang lumabas sa loob ng room.

I slowly walked down the stairs. Sumalubong sa aking mga paa ang malamig na semento sa ibabang palapag. There is an L-shaped sofa, wooden center table and a small flat-screen TV in the living room.

Sinundan ko ang mabangong amoy ng fried rice hanggang sa makarating ako sa kitchen. Napatigil ako sa paglalakad at bahagyang kinapos ng hininga.

Tumambad sa akin ang isang lalaking naka-suot ng shorts at maluwang na sando na nakatayo sa dulo ng kusina. Mabuti na lang at nakatalikod ito sa akin at abala sa pagluluto because I had the opportunity to watch him. Siya ba ang nagdala sa akin dito?

Agad akong napalunok ng maglakbay ang mga mata ko sa malapad at mamasel niyang likod pababa sa malaman niyang pang-upo. Parang ang sarap kurutin.

The Heir's RetributionWhere stories live. Discover now