"Hindi kasi ako mapakali. May problema ba tayo? Ilang araw ka ng ganyan. Parang may hindi ka sinasabi sa'kin." nag-aalalang tanong niya.

Napapikit ako ng mariin. Naalala ko bigla si, Noreene. Alam kong hindi na tama 'tong nangyayari sa'min lalo na't may nadadamay ng iba. Siguro nga dapat sabihin ko na sa kaniya.

"Pwede bang huwag tayo dito mag-usap?"

Tinext ko na lang si Angelica at Vhenice na nauna na ako. Ang tagal kasi nilang lumabas, nag-aayos pa ng gamit. Dinala ako ni William sa parking lot at sa kotse niya kami nag-usap.

"Nasaan si, Mira? Sabi niya sabay kayo 'di ba?" tanong ko. Sinisigurado ko muna na wala siya bago ko sabihin sa kaniya.

"May kausap pa siya. Bago niya raw kaibigan." tumango lang ako sa kaniya. "Say it. What's the problem?"

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya bago ako magsalita. "William, I think we need to break up."

Katahimikan. 'Yan ang nangibabaw sa kotse niya matapos kong sabihin 'yon. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya.

"W-What?" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Kapag hindi natin tinigil 'to, marami na ang madadamay. Wala ka bang napapansin, William? Pinapalayo ako ni Mira sa'yo para mapunta ka sa kaniya."

"A-Ano bang sinasabi mo?"

Noong hindi niya ako maintindihan, doon ko na sinabi sa kaniya kung ano ang mga pinaggagagawa ni, Mira. Magmula noong sa nangyari sa akin noong gabi na takutin niya ako at niligtas ako ni Jun, hanggang sa nandamay na siya ng ibang tao. Nakita kong napakuyom ang kamao niya at ibinaling ang tingin sa bintana. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya ngayon pero alam kong galit siya. Hindi ko inaasahan na tignan niya ako kaya nagtama na ang mga tingin namin. Nakita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya.

"This was all my dad's fault. Hindi niya naman gagawin 'yan kung hindi pinipilit ng dad ko na maging kami." lalo kong naramdaman ang galit sa boses niya nang banggitin iyon.

Napabuntong hininga ako. Ang daming problema. Ang aga ko namang maranasan lahat ng 'to. Dapat nga siguro nakinig na lang ako sa magulang ko na huwag muna pumasok sa relasyon. Ito tuloy ang napala ko.

"I'll fix this. This will be temporary. Mahal kita, okay? I'll talk to my dad again."

Hinatid ako ni William sa bahay. Sabi ko nga sa kaniya huwag na pero nagpumilit naman siya. Ang bigat pa rin ng nararamdaman ko hanggang sa makauwi sa bahay. Para bang stress na stress ako sa nangyari sa akin. Ang dami kong tinatago sa pamilya ko maging sa mga kaibigan ko. Buti na lang at naging kaibigan ko si Jun at kahit papaano ay may napapagsabihan ako.

Pumasok ako sa kwarto at nahiga. Naisipan kong i-check ang cellphone ko at nakita ang text messages ni Angelica. Binalita niya sa'kin na suspended daw ng ilang araw si Noreene dahil sa nangyari kanina. Na-zero rin daw siya sa quiz. Lalo akong naawa sa kaniya. Hindi niya naman gagawin 'yon kundi dahil kay, Mira. Sana lang at tumigil na siya ngayong hiwalay na kami ni, William.

Pinatay ko ang cellphone ko at pinikit ang mata ko hanggang sa makatulog ako. Paggising ko, ang bigat lalo ng pakiramdam ko. Tinignan ko kung anong oras na at nagulat ako nang makita na 10am na. Napaupo ako sa gulat pero may bumagsak na basang bimpo galing sa noo ko. Ang init din ng katawan ko. Nilalagnat ba ako?

Biglang bumukas 'yung pintuan at pumasok si mama na may dalang tray at mangkok.

"Gising ka na pala. Ano bang ginawa mo at nilagnat ka bigla? Gigisingin sana kita kagabi para mag-hapunan pero nasalat ko 'yung noo mo at ang init mo. Nagpadala na lang ako ng excuse letter sa school mo. Kainin mo muna 'to dahil wala pang laman 'yang tiyan mo." sabi niya at nilagay sa lamesita sa gilid ko ang tray.

Junjun ➳ SVT Wen Junhui [COMPLETED]Where stories live. Discover now