Chapter Twenty: UNIVERSITY SPORTS FESTIVAL

Começar do início
                                    

"Crush mo siya no?" nakangising tanong niya sa akin. Tumingin din ako sa iba pa at ngumingiti sila sa akin ng nakakaloko.

"Huh? Sino?" hinila na niya ako palapit sa tent namin kung saan naroon ang iba pa naming group members. At sinong crush ang sinasabi niya? May topak ba to?

"Huuu! Kunwari ka pa RJ!" sabi naman ni Salve habang inaayos ang aming mga kagamitan.

"Oo nga RJ, it's obvious." at isa pa tong si Nichole na kasama ni Salve sa pag-aayos.

"Anong pinagsasabi niyo? Crush? Wala akong crush no." pagtanggi ko sa kanilang mga pinagsasabi. Totoo naman ah, wala akong crush.

Pagkasabi ko nun ay tumulong na rin ako sa pag-aayos.

"Si Maky." sabi ni Clover. Napatigil ako sa aking ginagawa.

"Oh. Bakit si Maky?" curious na tanong ko kay Clover sa pagbanggit niya sa pangalan ni Maky. Eh anong meron kay Maky? Ipinagpatuloy ko na lang ang pag-aayos.

"Crush mo si Maky di ba?" taas kilay na sabi ni Clover. Ano?! Crush ko si Maky??

"No way! Hindi ako magkaka-crush sa kanya no!" at bumalik na ako sa pag-aayos sa mga gamit namin kahit tapos na kami mag-ayos.

"Halata na nga. Tara na guys magsisimula na ang parade." sabi ni Samantha at umalis. Umalis na rin ang iba pang mga group members namin.

Nahuli si Nichole at parang hinihintay ako. At ako naman ay nakatingin lang sa mga ka-grupo namin na paalis.

"Tara na, RJ." sabi niya at naglakad na ako palapit sa kanya.

"Alam mo bang nagba-blush ka?" sabi niya na hindi nakatingin sa akin. Huh?? Ako? Nagba-blush?

"Huh? Nagba-blush?" kinuha ko ang phone ko at nagsalamin dito. "Hindi naman ah." at nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya.

Habang naglalakad ay pinu-push pa rin niya na crush ko daw si Maky kasi nagba-blush daw ako. Ganoon ba talaga? Kapag nagba-blush, crush na agad? Di ba pwedeng... Ugh! Ewan. Basta di ko siya crush!


Everything went well during our University Sports Festival as well as in our booth. Students from different colleges keep on coming back to our booth. Mapapabili man o nagpapa-tutorial man. Ganoon din sa other groups. Talagang tudo effort kami sa activity namin.

Although there are some events na hindi namin napanuod, at least we still enjoyed staying in our booth and having some fun together with our groupmates and with other groups as well.



And now, today is the last day of the University Sports Festival and our groupmates decided to watch the basketball championship together. At ang college namin ang magco-compete for the championship kontra sa college ng mga engineering students.

Kasama ko na pala si MJ at katabi ko na siya ngayon na may mga hawak pang pompoms. Cheerleader lang ang peg. Hahaha.

Sa mga nakaraang mga araw, kapag nabigyan ako ng chance na makapanood ng game ay magkasama kami. Nanood kami ng volleyball (men and women) at taekwondo (men and women). Pumunta din kami sa mga naglalaro ng chess pero di kami nagtatagal doon. Kasi alam niyo na. Hehehe.

Anyway, while we are waiting for the game to begin is that I saw him.


Si Maky.


He is so hot in his jersey uniform. And speaking of that. Simula nung first day ng UniSportFest, tinutukso ako ng mga ka-grupo ko na crush ko daw siya. Eh hindi naman.

Everytime pa nga na ibinibigay ni Maky ang bag niya sa akin ay napapa- "uuuy" sila. Nawe-weirduhan na rin ata si Maky sa kanila dahil bigla siyang aalis na nakakunot ang noo.

Tumingin na lang ako sa ibang direksiyon at baka makita pa ako ng mga ka-grupo ko na nakatingin sa kanya. Mamaya, tuksuhin at asarin na naman nila ako. Lately, parang gustong-gusto nila akong inaasar at tinutukso. Nakaasar na talaga. Lol.

Nagsimula na ang game at first quarter pa lang ay ang init na nang laban. Magagaling ang mga engineering students pero mas magaling pa rin ang mga players namin, especially Maky. Whut?! Did I mention him? Yeah. Nevermind. Talaga naman na magaling siya. Wala siyang mintis sa bawat shoot niya sa ring. Nakakamangha.

Tudo cheer naman kami sa kanila. Ang ingay ingay dito sa gymnasium dahil sa dikit ang laban. Halos mapaos na ang boses ko kakasigaw ng "shoot", "di yan masho-shoot", at "defense" na may kasama pang hiyaw.


After 2 hours of playing. Opo, umabot po nang 2 hours ang basketball championship dahil may overtime sila. At the end of the game, our college won the championship. Yeheeey! Nakakaenjoy talaga manood ng basketball kung dikit ang laban at parehong magaling ang dalawang teams. Bukas, siguradong wala na akong boses kakasigaw kanina.

Ngayon, pauwi na kami ni MJ. Nag-text sa akin kanina si Maky na umuwi na lang ako at wala naman daw siyang ipapagawa sa akin kaya uuwi na ako. Baka magce-celebrate pa sila kasama ang mga kasamahan sa laro kanina.

Sa group chat naman namin for our group activity ay magkikita daw kami bukas sa bahay nina Samantha para gawin na ang output ng activity namin.

Well, all I can say for this UniSportsFest is that I enjoyed everything that we did. Ganito pala ka-enjoy ang event na to. How much more pa sa susunod na activities and events na gaganapin dito sa school? I am looking forward to it since it's still my first semester here at Campbell State University.


✨✨✨

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Onde as histórias ganham vida. Descobre agora