Chapter Twenty: UNIVERSITY SPORTS FESTIVAL

65 16 33
                                    

RJ's POV


Pagkatapos namin ni MJ sa ophthalmologist ay namasyal at kumain na muna kami sa labas bago umuwi sa kaniya-kaniyang bahay.

Pumunta kami sa Starbucks at inilibre niya ako. Ang inorder kong inumin ay yung Java Chip Frappuccino Blended Beverage at siya naman ay Chocolate Cookie Crumble Creme Frappuccino. At nag-order din kami ng kinain namin na Ham and Swiss Croissant, tig-isa kami.

Ang mahal mga beshywaps. Di kaya ng budget ko. Pero kay MJ, parang wala lang sa kanya. Hays. Balang araw, kapag talaga ako yumaman. Ililibre ko din si MJ dito, kasama si nanay siyempre.

Nagkwentuhan kami habang kumakain. Madami ang estudyanteng pumupunta sa Starbucks bitbit ang kanilang mga laptop para mag-group study o kaya naman mga ilan na empleyado para mag-meeting dito.

Pagkatapos sa Starbucks ay dumaan muna kami sa National Bookstore. Tingin-tingin lang ako. Si MJ ay bumili ng isang accounting book para sa studies daw niya. After doon ay umuwi na kami. Inihatid din niya ako.


Pagdating ng Sunday afternoon ay pumunta kami sa bahay nina Samantha para simulan at gumawa ng sample products para sa booth namin sa UniSportsFest.

Ang laki at ang ganda pa ng bahay nila. Malawak ang garden nila kung saan doon namin ginawa ang mga sample products namin. Naging okay naman ang lahat at naging kaibigan ko na sila.

Si Clover pala ay isa sa mga members' ng fan club ni Maky. Sorry pa siya ng sorry sa akin noon dahil sa ginawa nila sa akin last Thursday na pakana daw pala yun ni Czeena na siyang president sa nasabing fans club.

Lintik talaga na Maky'ng yan, may pa-fans club pa siya ha. Kaya naman pala ganoon ang tungo sa akin nina Tanya at Yvonne, lalong lalo na si Czeena. Pero okay na yun sa akin, kinalimutan ko na nga eh.

Kaya ayun, magkaibigan na kami ni Clover ngayon at sabi pa niya na umalis na siya sa fans club na yun. At malaking pagkakamali daw niya ang pagsali sa club na yun. Fans Club talaga? Sa college? Yeah whatever. Gawin nila ang gusto nilang gawin. Pero sana hindi yung nananakit sila ng kapwa. Hayss. Para lang sa isang lalaki? Grabehan lang.



Ngayon na ang unang araw ng University Sports Festival at bago magsimula ang mga sports events ay may opening parade pa kung saan required lahat ng mga estudyante na mag-parade.

Nandito muna kami malapit sa gymnasium at nagse-set up ng tent para sa booth namin at para na rin ihanda ang mga products namin na ibebenta. At habang nagse-set up ay may nagsalita ng pasigaw para marinig siya.

"Hoy RJ panget!" napalingon ako sa tumawag sa akin. Alam niyo na siguro kung sino. Opo. Si Boss Devil Maky po ang tumawag sa akin. Naglalakad siya palapit sa akin.

Nakakunot ang noo ko na napalingon sa kanya pero nawala ito ng makita ko siya. Bakit parang?

"Ang hot mo." napakunot ang noo niya. Bakit na naman?

"What?" huh? Ano bang sinabi ko na hindi niya naintindihan? Hindi ako makapagsalita. Nakatunganga lang ako na nakatingin sa kanya at inaalala ang mga salitang aking binitawan kanina lang.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo at inabot sa akin ang kanyang bag. Kinuha ko ito at agad na umalis. Nakatingin pa rin ako sa kanya habang paalis.

Papunta na siguro siya sa pila niya para sa opening parade. Mas mauuna kasi ang mga players na pumila.

"Ehem." napalingon ako sa likod ko at nakatingin lahat ng groupmates ko sa akin. Anong trip nila?

"Bakit?" napakunot ang noo ko sa inasta nila. Lumapit sa akin si Samantha at inangkla niya ang kamay sa akin.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Where stories live. Discover now