Chapter 1: The search for my temporary girlfriend

8.2K 58 7
                                    

Chapter 1: The search for my temporary girlfriend

"Whaaaaaat?—Hindi ma, wag niyo 'kong pilitin sa bagay na ayokong gawin." And then I walked out.

Ang aga-aga yun agad ang ibubungad sakin? 'You'll going to meet your fiancée next week Cedrick'.

Tao ako na may sariling pag-iisip at desisyon, hindi Robot na susunod na lang sa kung anong gusto nila. Kainis talaga. 21st century na ngayon, uso pa ba yang 'Arrange Marriage' na yan?

 ***                                                                     

Nandito na 'ko sa school. Dito ako dumiretso pagkaalis ko sa bahay. Dapat kasi talaga magka-cutting classes ako eh. Kaso, dahil Badvibes ako, gusto kong maglaro, at nandito sa school ang laruan ko :)

At mukhang siniswerte ako ngayon, dahil ang laruan ko na mismo ang lumalapit sakin.

Meet my toy SOFIA DIZON. One year ko na siyang laruan. Simula nung lumipat siya dito sa school last year. Ang sarap niya kasing asarin eh. Kahit na galit na galit na siya, parang wala lang kasi ang hina ng boses niya. Minsan naman parang bata.

"Modernong Babaeng Pilipina" nga ang tawag sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya. Kasi naman napaka-HINHIN "DAW" NIYA KUMILOS. Well, it's true. Kaso sa sobrang hinhin niya parang ang weak niya na tignan. Pero wag ka, palaban yan. Parang tigre sa tapang yan eh.

MAHINHIN "DAW" SIYANG MAGSALITA at MAHINA ANG BOSES. This one is also true. Pero may dadagdag ako. MADALDAL yan kahit ganyan ang boses.

And ang last, NATURAL BEAUTY "DAW" siya. Maganda daw kahit walang make-up at simple lang. Dun naman ako sobrang DISAGREE. Isa na 'tong kasinungalingan. Maputi lang siya kaya nila nasabi yun. Para sa kaalaman ng lahat, iba ang 'Maputi' sa 'Maganda'. Wala kaya siyang panama sa mga super models. HINDI SIYA TALAGA MAGANDA. Promise. Maniwala kayo dahil ako na mismo ang nagsasabi sa inyo. Mukha siyang White lady.

"Nice naman Sofia. Automatic ka ng lumalapit sakin. Hindi na kita kailangan tawagin pa. Alam mo na kung saan ang lugar mo. Maganda yan.” sabi ko kay Sofia. Nakita ko kasing palapit siya sakin. At siya ang dahilan kaya dito ako dumiretso sa school. I’m here to make fun of her. Para mawala ang inis ko. She's my toy right? But the heck, nilagpasan lang ako? Bastos to ah.

"Hoy Sofia, di mo man lang ba ako papansinin? Di mo talaga ako ginagalang ha.”

Aba, talagang iniinis ako ng babaeng to ah. Hindi pa din ako nililingon.

"Hoy Sofia Dizon...." hinila ko siya, "....wag ka ngang bas—" Pero napasobra ata yung paghila ko sa kanya kaya napadikit siya sakin.

Tumingin siya sa 'kin at nanglalaki ang mga mata sa gulat tapos tinulak ako palayo. "Ano bang problema mo ha?! Ang aga-aga nang-iinis ka na naman."

Yuuuuun! Nagsalita rin ang aking munting laruan.

“Hindi ka pa rin ba sanay Sofia? Part na ng daily routine ko ang inisin ka. Kaya dapat masanay ka na. Tsaka gusto ko lang ilipat sayo ung pagka-badtrip ko.”

“Wala ka talagang magawang matino no? Maghanap ka ng iba mong pagti-tripan ok?”

“Ikaw nga ung nahanap ko eh. Edi ikaw pagti-tripan ko.”

Nakatingin lang siya ng masama sakin. 

"So galit ka na niyan? Sigawan mo na ako daliii." pang-aasar ko pa lalo.

Fake to REAL Couple (On-Going)Where stories live. Discover now