Chapter 9: Mico's Dilemma

989 22 7
                                    

Chapter 9: Mico’s Dilemma

 

Mico’s POV

Ano bang nangyayari sakin?

Simula nung araw na yun, yung araw na umamin sakin si Sofia naging ganito na ako. Simula nung araw na yun, hindi na siya maalis sa isip ko.

Bakit ba ako nagkakaganito?

Parang kalahati ng sarili ko nagsasabi na hindi ko siya dapat ni-reject. While the other part tells me na tama yung ginawa ko.

Iba ang sinasabi ng utak at puso ko. Nakakadepressed.

 ***

Kinabukasan nung araw na yun, napansin kong parang iniiwasan niya ako. Halata sa kilos niya. Hindi na siya yung dating Sofia na nakilala ko. Parang naiilang na siya sakin.

Pero walang mangyayari samin kung mag-iiwasan kami habang-buhay. May pinagsamahan rin naman kami kahit papano.

 Tsaka pa’no na lang yung play namin?

Hindi naman pwedeng naiilang kami sa isa’t-isa habang umaarte kami. Kaya kailangan kong ayusin to.

  

Kakausapin ko sana siya nung uwian kaya hinanap ko siya kaso nakita kong kasama niya si Cedrick kaya nagdalawang isip pa ako nun kung lalapitan ko ba sila o hindi. Pero kailangan ko na tong maayos agad eh kaya lumapit na lang ako sa kanila.

Tinanong ko siya kung pwede ba kaming mag-usap kaso sabi niya bukas na lang daw. Pumayag naman ako. Tsaka kasama niya kasi si Cedrick eh. Maririnig niya pa yung pag-uusapan namin.

Nung sumunod na araw, tinupad naman niya yung sinabi niya sakin. Nag-usap nga kami nung time ng rehearsal.

“Sofia. Hmmm, kamusta?”

Ano ba Mico, ano bang klaseng tanong yan?

“O-ok lang naman.”

AWKWAAAARD!

“Hmmm Sofia... Pwedeng back to normal ulit tayo? Yung closeness natin pwede bang ibalik?”

“Huh?!....  Ahhh, o-oo naman.”

“Sana wala ng ilangan.”

“Oh sige.”

“Tsaka, ano nga pala, hmmmm, sorry ulit nung nakaraan.”

“Ha-ha-ha, ok lang yun. Kalimutan mo na lang yun. Kunwari wala na lang akong sinabi ha. Oh sige ‘president’ practice na tayo ulit.”

Tapos umalis na siya.

Alam kong pilit lang yung tawa na yun at apektado pa rin siya nung nangyari nung nakaraan. Kahit nga ako apektado pa rin eh. At hindi ko alam kung bakit ako apektado. Iba yung pakiramdam ko eh. Basta iba siya.

After ng pag-uusap naming yun, naging ok na ulit kami. Nag-uusap na ulit kami pero may konting ilangan pa rin talaga. Hindi naman kasi basta basta maaalis yun eh.

Pero habang tumatagal, bumabalik na ulit sa dati yung closeness namin. Nagiging makulit na ulit siya sakin at parang nawawala na din yung ‘ILANGAN FACTOR’ namin.

*** 

“Ok guys, bukas na yung presentation natin. Sana maging maayos tong play natin. Sana walang magkamali at sana magustuhan nila yung ipepresent namin.”

Fake to REAL Couple (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon