Chapter 13: Qwerty club

316 8 4
                                    

Chapter 13: Qwerty club

 

Sofia’s POV

“Miiiiitch. May sasabihin ako sayo. Whaaaa. Kinikilig akooooo!” bungad ko kay Michelle pagka-upo niya sa harap ko.

“Ano yuuun? Bakit? Bakit? Bakit?” halatang excited na din siya sa iki-kwento ko.

“Eh kasi Mitch. Si Mico....”

“Anyare kay Mico?”

“Whaaaa.... Kami na~”

“Whaat?! Talaga? Kelan pa?”

“Nung isang araw lang. Nag-date kami. Tapos ayun, dun ko siya sinagot.”

At ayun nga. Sinimulan ko ng ikwento sa kanya lahat ng nangyari nung isang araw. Ang ingay tuloy namin dito sa cafe. Di namin mapigil ung kilig. Pati siya kinikilig na rin.

“Congrats Sofie. Nangyari na din ung gusto mo. Kayo na ni papa Mico.”

“Oo nga eh. Di ko talaga ini-expect na magiging kami. Akala ko ayaw niya talaga sakin kasi ni-reject niya ko nung una eh.”

“Sabi ko sayo eh. Tama ako. Sign nga ung panaginip mo. Na-reject ka nga nung una pero tignan mo, umamin din siya sayo.”

“Oo na. Tama ka na. Hahahah. Basta masaya ako ngayon. Sobrang saya.”

“Pero wag ka muna masyadong magpakasaya girl. May problema ka pa.”

“Problema?” kunot noo kong tanong.

Imbis na sumagot, may tinuro siya sa labas ng cafe gamit ang nguso niya. Lumingon ako para tignan kong ano ba ung tinutukoy niya at nakita ko si Cedrick na papasok ng cafe.

Teka. Bakit nandito yan?

“Oh, nandito pala kayong dalawa?” bungad samin ni Cedrick.

“Bakit ka nandito?” tanong ko. Nakatayo sa gilid naming kaya nakatingala kami ni Michelle sa kanya.

“Bakit? Bawal ba akong pumunta dito?... Wag kang mag-alala, hindi naman ikaw ang pinunta ko dito. Asa ka naman.”

“Eh bakit nga nandito ka?”

“Magkikita kami ni Vince. Dito usapan. Ok na?”

Hinila niya ung upuan sa tabi namin at umupo dun, “Pa-table muna ah. Habang hinihintay ko si Vince... Nasan na ba kasi un? Late na naman.”

Maya-maya, dumating na rin ung hinihintay niya. Pumasok ng cafe si Vincent at mukhang nakita niya agad kami kaya dumiretso siya sa kinauupuan namin.

“Oh Ced, kasama pala silang dalawa?” sabi ni Vincent kay Cedrick. Kami ata ung tinutukoy niya.

“Hindi ah. Kanina pa sila dito. Naki-table lang muna ako. Hindi sila kasama.”

“Aah. Eh kung isama na lang natin sila? The more the merrier... Ano Sofia, gusto niyo?” tanong ni Vincent samin.

“San ba kayo pupunta?” tanong ni Michelle.

“Sa Qwerty. Magpa-party party.”

“Anong Qwerty? Keyboard ba yan?” tanong ko naman. Keyboard at keypads lang ang alam kong Qwerty. May lugar bang ganun?”

“Ano ka ba Sofia. Club un. Anong keyboard pinagsasabi mo?” sagot naman ni Michelle.

“Ano? Sasama ba kayo? Ok lang naman sayo Cedrick diba?” tanong ni Vincent.

Fake to REAL Couple (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon