Chapter 14: Almost Caught

274 10 3
                                    

Chapter 14: Almost Caught

 

Sofia’s POV

Sabay kaming nag-lunch ni Mico. Simula nung maging kami, lagi na kaming magkasama. Minsan kasama namin si Michelle. Pero may mga oras din naman na hindi siya sumama samin. Para daw ma-solo ko si Mico -_-

Nandito kami ngayon sa canteen at kumakain. Sa ngayon, hindi ko muna iisipin ung tungkol kay Cedrick. Dahil wala pakong balak sabihin sa kanya yun ngayon.

“Nasan si Michelle? Bakit hindi sumama satin?” tanong niya.

“Ewan ko. Ayaw niya sumama. Baka maka-istorbo daw siya satin.”

“Ayos lang naman kung kasama natin siya eh. Baka magselos un sakin. Sabihin inaagaw kita sa kanya.”

“Suus. Hindi un. Lagi silang magkasama ni Vincent. Hindi ko nga alam na close pala silang dalawa eh.”

“Oh, ayun pala sila eh.” Tinuro ni Mico sila Michelle mula sa labas ng canteen. Kasama niya si Vincent at Cedrick.

Mukhang nakita rin naman yata kami nila Michelle kaya kinawayan nila kami. Ito naman si Mico, niyaya pa sila na maki-join saming dalawa. Ok lang sana kung si Michelle lang. Eh kaso kasama si Vincent at Cedrick.

“Ok lang ba na maki-upo kami sa table niyo? Baka maistorbo naming kayong dalawa?” tanong ni Vincent pero halata namang gusto rin nilang maki-upo.

“Ok lang. Mas madami mas masaya.”

So ayun, umupo na rin sila sa table namin. Nagsimula na kaming magkwentuhan.

“Kamusta ang buhay may-girlfriend Mico?” tanong ni Vincent.

“Huh?.. Ano.. hmmm.”

Halatang hindi inaasahan ni Mico ang tanong ni Vincent kaya hindi siya agad nakasagot.

“Syempre masaya.” tipid niyang sagot.

“Eh ikaw Cedrick, kamusta ang buhay may-fiancee? Hahahahahaha”

Nung marinig ko yun, muntik nakong mabulunan. Ano bang iniisip nito ni Vincent? Bakit sa harapan pa ni Mico naisip niyang itanong yan?

Biglang tumayo si Michelle at binatukan ng malakas si Vincent. “Aray ko naman. Joke lang. Joke lang.”

Ang sama ng tingin ni Cedrick kay Vincent. Si Michelle naman bumalik na sa pagkaka-upo. Si Mico, halatang naguguluhan ang expression. Ako naman nakayuko lang at pinipigil ang inis.

“May fiancée ka na Cedrick?” tanong ni Mico.

“Huh? Hindi! Baliw kasi tong si Vince eh. Kung ano-anong sinasabi. Nalipasan kasi ng gutom... Sige, mauna nako.”

Umalis na si Cedrick. Hay, buti na rin yun. Mamaya kung saan pa mapunta ung usapan eh.

“Hoy Michelle, ang lakas ng pagkakabatok mo sakin ha. Ang sakit.” Sabi ni Vincent sabay himas sa ulo niya. Halatang malakas nga ang pag-batok ni Michelle, may tunog eh.

“Eh ikaw naman kasi, kung ano-anong pinagsasabi  mo. Wag kang magbibiro ng ganyan ah.” Sagot ni Michelle.

“Bakit parang affected ka Michelle? Eh biro lang naman un?” tanong ulit ni Mico.

“Hindi.. Ano kasi... Hmmmm, hindi kasi magandang biro un. Kasi.. ano... crush ko kasi si Cedrick... Tama, yun nga. Crush ko siya kaya masakit para sakin kung may fiancée nga siya.”

“Talaga? Alam niya ba yan? Hahaha. Kaya pala sila lagi mong kasama eh.”

Haay. Salamat Michelle. May advantage rin naman pala yang pagiging madaldal mo. Madali kang makaisip ng lusot. Nakooo. Kasalanan to ni Vincent eh. Kung di naman niya kasi inopen ung topic na un hindi mapupunta dito ung usapan eh.

Fake to REAL Couple (On-Going)Where stories live. Discover now