Chapter 15.2: Phobia

373 14 10
                                    

Chapter 15.2: Phobia

 

Ate Julie’s POV

 

Pabalik na kami ni Weng sa bahay ng makita namin si Cedrick na lumabas at nakasimangot. Naglakad siya palayo. San naman kaya pupunta un? Kabisado ba niya dito? Tatawagin sana namin siya ni Weng kaso biglang may pumarada na tricycle sa harap. Sila lolo’t lola dumating na.

“Oh, nasan na ung ipapakilala mo samin? Nasan na ung kasama mo?” naabutan naming tanong ni lolo.

“Po?? Aahh, eeeh, nagpahangin lang po. Babalik rin po un mamaya.” Sagot ni Sofia.

Mukhang may naamoy akong hindi maganda ah. Kabisado ko tong pinsan ko na to. Ako ata nag-alaga dito nung bata pa siya. Kaya kilalang-kilala ko siya.

Pumasok sila sa loob ng bahay. Sumunod naman kami ni Weng. Nagkwentuhan sila lolo’t lola kay Sofia. 2 years rin kasi silang hindi bumisita dito eh. At tingin ko, yun ung dahilan nun. Baka nagka-phobia na si Sofia na bumalik dito pagkatapos nung nangyari.

Pagkatapos nilang mag-usap, nagpahinga na sa kwarto sila lolo’t lola. Baka napagod kanina. Si Sofia naman lumabas. Siguro para hanapin si Cedrick.

“Ate Julie, samahan mo naman ako. Hanapin natin si Cedrick. Baka kung anong isipin nila lola eh.” hiling sakin ni Sofia.

“May pupuntahan pako Sofia eh.”

“Sige na ate Julie. Ayoko mag-isa.”

Sabi ko na nga ba. Isa siguro to sa mga epekto ng nangyari sa kanya dati.

“Tara na nga.”

Habang naglalakad kami, di ko napigilang magtanong sa kanya.

“Kamusta ka na? Nakalimutan mo na ba ung nangyari sayo?”

Bigla siyang napahinto sa paglalakad, “Wag mo na ipaalala ate Julie. Ayoko ng pag-usapan. Ayoko ng maalala.”

Hindi na lang ako nagtanong ulit tungkol dun. Mukhang hindi pa rin siya nakaka-recover sa masamang nangyari sa kanya noon.

“Ano bang nangyari sa inyo ni Cedrick? Nakita namin siya ni Weng kanina na lumabas at nakasimangot.” pag-iba ko sa usapan.

“Ewan ko nga dun eh. Bigla-bigla na lang magagalit. Wag ko daw siya kausapin. Tapos biglang umalis.”

“Kadadating-dating lang dito LQ agad?”

“Anong LQ? Tss, hindi no. Abnormal lang talaga ung lalaking yun.”

“Oh, ayun pala siya oh..”

Tinuro ko si Cedrick na naglalakad na pabalik.

“Hoy, san ka ba galing? Hinahanap ka nila lolo’t lola.” sermon ni Sofia kay Cedrick.

Sumagot naman si Cedrick. Tapos sumagot ulit si Sofia. Tuloy-tuloy ang sagutan nila. Hindi ko alam kung ganyan ba talaga sila mag-usap o nag-aaway na sila.

Bumalik na sila sa bahay. Hindi nako sumama sa kanila pabalik dahil nga may pupuntahan pako. May kasama naman na si Sofia eh, hindi na siguro siya matatakot.

***

Cedrick’s POV

Hindi ko alam kung bakit tuwang-tuwa sakin ung lolo’t lola ni Sofia. Eh wala naman akong ginagawang nakakatawa. O baka naman mababaw lang talaga kaligayahan nila? Ewan!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fake to REAL Couple (On-Going)Where stories live. Discover now