Chapter 11: Ashley

988 20 3
                                    

Chapter 11: Ashley

 

Cedrick’s POV

Nakakairita na talaga yung babaeng yun. Kung ako lang din naman masusunod ititigil ko na tong pagpapanggap na to eh. Kaso hindi nga pwede. Nasimulan na namin to kaya kailangan tapusin namin to. Kayo? Sa tingin niyo ba gusto ko tong nangyayari samin? HINDI NO! Alam niyo naman yung dahilan kung bakit hindi namin pwedeng itigil to.

Kung nandito lang sana si Ashley hindi sana nangyayari to. Bakit kasi kailangan niya pa akong iwan? Kahit dalawang taon na siyang wala, hindi ko pa rin siya nakakalimutan.

“Insan, tinitignan mo na naman yang picture ni Ashley. Tagal na nun ah. Di ka pa rin nakakamove-on?”

Hindi ko namalayan na naka-upo na pala sa harapan ko si Timothy, yung pinsan ko. Dito na siya nakatira samin simula nung mamatay sa plane crash yung parents niya nung 9 years old pa lang kami. Kami na yung naging pamilya niya after that incident.

Hindi kami parehas ng school na pinapasukan. Ayaw niya kasi eh. Baka daw magsawa siya sa mukha ko kung pati sa school magkikita kami.

Itong itsura kong to pagsasawaan niya? Tss.

“Ano insan? Gusto mo bisitahin natin si Ashley?”

“Tara.” Nakangiti kong sabi.

Umalis kami ng bahay at pinuntahan yung lugar kung nasan si Ashley.

Sa lugar kung saan pwede namin siyang puntahan kahit anong oras. Sa lugar kung saan walang gumugulo sa kanya. Sa lugar kung saan tanging pangalan niya na lang ang makikita ko.

“Ashley, nandito na naman kami. Si Cedrick kasi namiss ka na naman. Dalawang taon ka ng natutulog dyan ah. Bumangon ka na. Gusto ka ng makita ni Cedrick ulit eh.”

“Tumahimik ka nga dyan Tim.”

“Hahaha. Ito naman. Oo na. Sige, maiwan ko na muna kayo. Dun muna ako sa kotse. Babye Ashley.”

Naglakad na palayo si Timothy at iniwan akong mag-isa sa tapat ng puntod ni Ashley.

Tulad ng dati, nakatingin lang ako sa pangalan na naka-ukit sa lapida niya at kinakausap siya. Kahit hindi ko siya nakikita, alam ko nasa paligid lang siya at naririnig lahat ng sinasabi ko. Nararamdaman ko yun.

“Ash, pa’no ba yan? Namiss na naman kita.”

Di ko na naman napigilan yung sarili ko. Pumatak na naman mga luha ko. Kada pupunta ako dito ganito lagi ang eksena.

Three years ago, she was diagnosed with Leukemia. And after a year, she passed away. Mabilis na kumalat ang cancer cells sa katawan niya.

Ang saya sana namin eh. Tanggap siya nila papa at mama. Ganun din naman yung parents niya sakin. Nangako kami sa isa’t-isa na walang iwanan. Pero bakit ganun, iniwan niya pa rin ako.

Four years na sana kami ngayon kung hindi lang siya umalis. Kaso anong magagawa ko? Hanggang dun na lang yung buhay niya. Mahirap kalabanin ang diyos. Kaya kahit hindi ko kaya, pinilit kong tanggapin na hindi na talaga kami pwedeng magsama.

Hindi naging ganun kadali para sakin na tanggapin ang lahat. Sobrang depressed ako nun. Kaya napabayaan ko na din pati pag-aaral ko. Pero nung tumagal, unti-unti ko na ring natanggap. Pero syempre hindi ko pa rin siya kayang kalimutan. Siya yung unang babaeng minahal ko. Pero wala eh. Ganito yung kapalaran namin. Mahirap man, kailangan tanggapin.

Fake to REAL Couple (On-Going)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu