Chapter 5: First come, first serve

1.1K 23 0
                                    

Chapter 5: First come, first serve

 

Cedrick's POV

"Ano ba talagang nangyari kahapon? Dali na sabihin mo na sakin."

Kinukulit ko siya habang naglalakad kami palabas ng school.

"Wag mo ng alamin, samin na lang yun."

"Teka, pinapa-alala ko lang sayo. BOYFRIEND mo ako kaya dapat alam ko lahat ng nangyayari sayo."

"Asa ka namang sasabihin ko sayo. At PINAPA-ALALA KO LANG DIN SAYO. FAKE BOYFRIEND LANG KITA. Wag kang assuming no."

"Tss, hindi ako assuming no."

Gusto ko lang naman talaga malaman kung anong nangyari kaya sinabi ko yun no. Masama ba? Eh sa curious ako eh, bakit ba?

Kung ayaw niyang sabihin, iisipin ko na lang. Magaling naman ako dyan eh.

Kahapon, problemado si Sofia. Kahapon din siya masungit at umiyak. Tapos kahapon, late din pumasok si Mico. Eh lagi naman late pumasok yung ugok na yun. Ano pa bang bago?!

Sigurooooo..... "Si Mico ang dahilan ng pagsusungit mo kahapon? At siya din ang dahilan kung bakit ka umiyak no? Tama?"

Napatigil siya sa paglalakad at tinignan ako. Pero imbis na sumagot, nagpatuloy na lang ulit siya sa paglalakad.

"Ano? Tama ako no? Nag-away kayo? Siguro binasted ka niya? Hahahaha. Sino ba naman kasing magkakagusto sayo? Hindi ka maganda. Hindi ka din matalino at ang sungit mo pa. Sige nga, sa tingin mo may magkakagusto sayo?"

Tumigil na naman siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Napahalakhak ako ng malakas. Natawa ako sa mga sinabi ko eh. Pagtingin ko sa kanya, teary eyed na siya.

"WALA KANG ALAM KAYA WALA KANG KARAPATAN MANGHIMASOK. AKALA MO ALAM MO YUNG BUONG STORYA. BAKIT SINO KA BA HA? ISA KA LANG NAMANG SALOT SA BUHAY KO."

Tapos tumakbo siya palayo.

Ano bang sinabi ko? Bakit ganun magreact yun?

 ***

Pagdating ko sa bahay, naabutan kong nakasakay na sa kotse sila mama at papa. Aalis na naman, may pupuntahan daw silang convention. Pero bago sila umalis, may sinabi pa sila sakin.

"Ced, may lakad ka ba this weekend?”

“Wala naman. Bakit?”

“Good. Sa labas tayo magdidinner lahat.”

“Bakit? Anong meron?”

“Wala. Family Bonding. Ayusin mo yung sarili mo ah. Gandahan mo ang bihis mo. O sige, aalis na kami. Bye.”

Anong meron? Bigla bigla naman at yung dinner na yun.

Kinagabihan, bigla kong naisip na what if isama ko dun si Sofia and introduce her as my girlfriend. Baka sakaling maconvince ko sila mama na wag ng ituloy yung kasal. Pag napigilan na yung kasal, matatapos na din yung pagpapanggap namin nung babaeng yun. Di ko na kayang tiisin ung katarayan nun eh.

Whahahah. Ang galing ko. Tama, ganun nga yung gagawin ko. Matawagan nga si Sofia.

*riiing riiing riiing*

Fake to REAL Couple (On-Going)Where stories live. Discover now