Chapter 8: Contract

994 25 0
                                    

Chapter 8: Contract

 

Sofia’s POV

 

Nagmadali akong lumabas ng kwarto dahil male-late na ako sa meeting time namin ni Cedrick.

Pero bago pa ako makalabas sa mismong pinto ng bahay, pinigilan ako ni mommy.

“Hep hep hep. Where are you going?”

Hindi ko napansin na nasa bahay pa pala si mommy. Akala ko kasi naka-alis na siya kanina pa. Hindi pala siya sumabay kay daddy.

“Walang kang pasok ngayon diba? San ka pupunta?”

May pagka-strick kasi sila pagdating sakin. Pero hindi naman sobra. Kailangan lagi nilang alam kung saan ako pumupunta. Kung sino kasama ko. Basta kailangan lagi akong magpapaalam sa kanila pag may lakad ako. Pero minsan tumatakas lang ako.

“Ah, mommy may pupuntahan lang ako.”

“Saan naman? At sino kasama mo?”

“Magkikita lang kami ni Cedrick.”

“Ahh. Okay. Dapat sinabi mo agad. Oh sige, umalis ka na. Baka nag-hihintay na yun dun. Wag ka masyadong magmadali umuwi. Take your time. Ingat kayong dalawa ah. Ba-bye.”

Tss, bakit nung sinabi kong magkikita kami ni Cedrick kulang na lang ipagtulakan ako palabas ng bahay. Grabe ah. Botong-boto sa lalaking yun? Bakit ba kasi siya pa yung napili nila para sakin eh?

*** 

Ang tagal naman dumating ng lalaking un. Sabi niya 1pm kami magkita. Anong oras na, magtu-two na ah. Kanina pa ako naka-upo dito sa starbucks. Nasan na ba yun?

“Sofia kanina ka pa?!”

Tapos may lalaking umupo sa upuan sa harap ko. Sino pa nga ba edi si Cedrick.

“Hoy Cedrick bakit ang tagal mo? Kanina pa ako dito ah. Ikaw lagi mo na lang ako pinaghihintay. Nung nakaraan ang tagal mo din dumating dun sa restaurant.”

“Kasalanan ko ba kung traffic? Kung makapagreklamo ka akala mo ikaw lang naghihintay. Ang tagal mo rin kaya lumabas kahapon. Pati dati, hinintay kitang matapos sa practice niyo ah. Mas matagal pa nga yung hinintay ko kesa sayo eh.”

“Eeeeh basta. Wag ka ng male-late ah. Ganito, next time, kung sino ang ma-late sa usapan, may consequence.”

“Sige ba. Ilagay natin yan sa contract.”

“Oo nga pala. Ano bang contract yung sinasabi mo?”

“Kelangan natin gumawa nun para sa privacy. Para alam natin ang limitations natin.”

“Excuse me. I know my limitations.”

“Tsaka hindi lang pala yun. Kelangan alam natin ung mga details na meron sa isang relationship.”

“Like what?”

“Anniversary, birthday ng couple, special place or moments. Mga ganun. Hindi mo ba alam yun?”

“Hindi. Anong malay ko dyan. I’ve never been in a relationship before.”

“Seriously? Kahit isa?”

Fake to REAL Couple (On-Going)Where stories live. Discover now