Chapter 10: Sofia's Dilemma

989 23 2
                                    

Chapter 10: Sofia’s Dilemma

 

Sofia’s POV

 

‘Pwede ba kitang maging girlfriend?’

Tama ba yung narinig ko? Yun ba talaga yung sinabi niya?

“H-huh?! Ano yun?”

“I said can you be my girlfriend?”

“Pe-pero president, diba... “

“Oo alam ko. Alam ko ni-reject kita. Hindi ko pa kasi alam nung mga oras na un kung ano nga ba talaga yung totoong nararamdaman ko. Gusto kong lagi kang kasama at masaya ako pag kasama kita. Komportable ako sayo. Inaamin ko gusto kita noon pa. Pero hindi ko alam kung kaibigan lang ba o higit pa dun...”

Wala. Speechless pa din ako. Hindi ako makapaniwalang sinasabi niya to ngayon.

“Iniisip ko na baka masyado lang akong nadadala sa mga eksena natin sa play at baka ganun ka rin. Pero simula nung sinabi mo sakin na gusto mo ko, hindi ka na mawala sa isip ko. Lagi ko na lang naalala lahat nga mga sinabi mo. Kaya gulong-gulo ako. Gusto nga ba talaga kita o hindi? Ilang araw kong pinag-isipan ang sagot sa tanong na yan. At ngayon, sigurado na ko. Gusto kita Sofia.”

Ano bang isasagot ko? Oo o hindi? Pero sa totoo lang, hanggang ngayon pa rin naman gusto siya.

“Pero bakit ngayon mo lang sinasabi sakin yan?!” tanong ko sa kanya.

“Eh kasi.... kasi, madalas ko kayong makita ni Cedrick na magkasama kaya naisip kong—“

“Ay hindi ah. W-wala kaming relasyon. Promise. Wala talaga.”

Oo nga pala. Si Cedrick. Tsk, pa’no to?!

Nakakahiya. Lagi niya pala kaming nakikita ni Cedrick na magkasama.

“Mabuti naman kung ganun. Pero hindi naman yun yung ibig kong sabihin kanina. Pero dahil sa sinabi mo, nasagot na din yung gumugulo sa isip ko.”

Huh?! Ano? Ano bang gumugulo sa isip niya?

“Sofia, ano ng sagot mo?”

“Saan?”

“Sa tanong ko?”

Tanong? Anong tanong?.... Ahhh!

“Yu-yung kanina ba?! Hmmmm..... “

Ano bang sasabihin ko? Sasabihin ko ba sa kanya ung tungkol sa deal namin ni Cedrick? O sasabihin ko muna kay Cedrick na tumigil na kami sa pagpapanggap dahil ok na kami ni Mico? Ano baaaaaa?!

“Hmmmm, Mi—President, pwede bang, pag-isipan ko muna?”

Sheez, tama ba yung sinabi ko? Baka bawiin niya kasi yung tanong niya eh. Baka magbago isip niya pag pinatagal ko pa. *Sigh*

“I understand. Alam ko naman kung anong naramdaman mo noon eh. Kaya naiintindihan ko kung hindi mo ako masasagot agad. Sige Sofia, hihintayin ko ang sagot mo.”

Whaaa. Kinikilig ako. Di ko akalain sasabihin niya tong mga to. Teka, baka naman nananaginip lang ako ah. Sana di na ‘ko magising :”>

Pero kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano pa’ng mga susunod na mangyayari. Problema ko pa si Cedrick. Pa’no yung kasunduan namin???

Fake to REAL Couple (On-Going)Where stories live. Discover now