Chapter 7: Naughty plan

1K 25 0
                                    

Chapter 7: Naughty plan

 

Sofia’s POV

“Sofia, nagbabasa ka ba talaga? Naka-ilang tingin na ako sayo pero nandyan ka pa rin sa page na yan.”

Sabi sakin ni Michelle na nakaupo sa tabi ko ngayon.

May hawak kasi akong libro at nakaharap to sakin pero di ko naman talaga binabasa.

Iniisip ko kasi kung ano na yung gagawin namin ni Cedrick ngayon. Kung alam ko lang na siya pala yung tinutukoy nila mommy edi sana hindi na ako pumayag sa gustong pagpapanggap nung lalaking yun. Lumalala tuloy yung sitwasyon.

“Hoy, Sofie, ano bang problema mo? Bakit ganyan yang mukha mo?”

Binitawan ko yung libro at tumingin kay Michelle, “Kasi naman eh....”

Sasabihin ko ba kay Michelle yung mga nangyari?

Kaso kasi ang daldal ng babaeng to eh.

Hay nako, next time ko na nga lang sasabihin.

“Wala yun, nagugutom lang ako.”

“Edi tara, kumain tayo. Yun lang pala. Dapat kanina mo pa sinabi, nagugutom na din ako eh.”

Pumunta kaming canteen ni Michelle. Mukhang hindi rin naman papasok yung teacher namin sa next subject eh dahil 15minutes na siyang late.

Pagka-order namin ng pagkain, umupo na kami sa bakanteng table at kumain.

“Nakabalik na pala si Vincent. Ayun oh kasama ni Cedrick.”

Cedrick? Narinig ko na naman yung pangalang yun.

Tumingin ako sa direction na tinuro ni Michelle at nakita ko nga si Cedrick kasama si Vincent.

Bestfriend niya si Vincent pero taga ibang section siya. May pagka-pilyo ng konti, pero mabait naman.

“Hiii Vinceent.”

Sigaw ni Michelle kaya napatingin sa direction namin yung dalawang lalaking yun.

“Ano ba Mitch, bakit tinawag mo pa?”, bulong ko sa kanya.

Tinakpan ko naman ng palad ko yung mukha ko.

“Bakit? Anong masama? Kakamustahin ko lang naman si Vincent eh.”

Almost 2 weeks daw kasing hindi pumasok si Vincent. Ewan ko kung bakit. Wala akong pakialam.

Umupo silang dalawa sa upuan sa harap namin. Ako naman, tinatakpan pa rin ung mukha.

“Pahingi nga.”

Sabi ni Vincent sabay agaw ng sandwich na kinakain ni Michelle.

“Hoy ano ba? Akin yan eh.”

Tapos kinuha naman ni Michelle pabalik yung sandwich niya.

“Oi ikaw Sofia, anong meron sa mukha mo? Bakit tinatakpan mo?”, sabi ni Cedrick.

Oo nga, bakit ko ba tinatakpan tong mukha ko?

“Huh? Hindi ko tinatakpan ah. May iniisip lang ako.”

Palusot ko tapos nag-smirk siya. Para saan yung smirk na yun? Hmp.

Tumunog naman yung phone ko kaya tinignan ko kung sino yung nag-text.

Fake to REAL Couple (On-Going)Where stories live. Discover now