Chapter 12: It's official

1K 41 28
                                    

Chapter 12: It’s official

 

Cedrick’s POV

 

Tss. Bakit ba nandito yang Sofia na yan?

Ok, let me guess?? Ininvite siya ni mama dito tulad ng ginawa ni tita Seline?? Geez, ang mga nanay nga naman oh.

Pagpasok ko sa kwarto, dumiretso ako sa kama at humiga. Ang sama ng pakiramdam ko eh. Sakit ng ulo ko. Kaya nga napa-aga uwi namin ni Vincent. Dapat mamaya pa kami uuwi kaso masama na talaga pakiramdam ko kaya nagyaya na akong umuwi. Siguro dahil to sa pagpapa-ambon ko kahapon eh.

***

“Ui, Cedrick. Gising. Kakain na. Kanina ka pa dito hindi ka pa rin nakakapagbihis.”

Namalayan ko na lang na ginigising ako ni Timothy. Nakatulog na pala ako.

Bumangon ako at umupo. Si Timothy naman nakaupo sa tabi ko.

“Ced, may tanong lang ako. Bakit hindi alam ni Sofia yung tungkol kay Ashley??”

Bigla akong napatingin kay Tim. Nagulat kasi ako sa tanong niya.

“Hindi ko pa sinasabi.”

Matipid kong sagot.

“Kelan mo balak sabihin insan? Pag magpapakasal na kayo?”

“HINDI KAMI MAGPAPAKASAL.”

Medyo napagtaasan ko ng boses si Timothy. Kasi naman eh, masama na nga pakiramdam ko tapos bigla niya pang inopen yung topic na yun.

“What do you mean?!”

Gulat na tanong niya sakin.

Uh-ow, nasabi ko tuloy ng di oras yung sikreto namin. Wala na. Nadulas nako eh. Sasabihin ko na lang. May tiwala naman ako dito kay Timothy.

“Kasi Tim... hindi totoong girlfriend ko si Sofia... ”

At ayun nga, kinwento ko na sa kanya lahat. Lahat lahat. Wala akong tinirang detalye. Sinabi ko rin sa kanya na kung pwedeng wag niyang sasabihin kay mama at papa to. O kahit sa ibang tao. Naintindihan niya naman ako at nangako na hindi niya ipagsasabi.

“Aaaah. Naintindihan ko na. Don’t worry Ced. Safe ang secret niyo.” Sabi ni Timothy sakin sabay tapik sa likod ko.

*tok tok tok*

Biglang may kumatok kaya napatingin kaming dalawa sa direksyon ng pintuan. Bumakas ito at bumungad samin ang mukha ni Sofia.

“Cedrick, Timothy, kakain na. Ano ba kayo? Kanina pa kayo dito.”

“Oo susunod na.”, sagot ko tapos tumayo na kami ni Tim at bumaba sa dinning area.

Pagbaba namin, umupo na agad kami dahil galit na si mama sa tagal naming bumaba. And of course, katabi ko si Sofia.

  

Sumubo lang ako ng konti tapos tumayo na.

“Oh Ced, tapos ka ng kumain??”, tanong sakin ni mama.

“Oo. Akyat na ako.”

“Sandali lang, hindi mo pa nga nauubos yung pagkain mo.”

Fake to REAL Couple (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon