Chapter 2: Slip of the tongue

1.4K 27 1
                                    

Chapter 2: Slip of the tongue

Sofia's POV

 

"Be my Girlfriend"

Ano daw?! Gi-girlfriend? Ako? Ako magiging girlfriend niya?!!

"NO WAY!"

"Wait Sofia. Let me clear it. Fake Girlfriend. Temporary lang. Magpapanggap lang tayo na in a relationship. Just a couple of weeks will do. Please Sofia, I need your help."

"NO! Ayoko nga. Matapos lahat ng ginawa mo sakin sa tingin mo papayag ako?"

"Ok, let's put it this way. Pag pumayag ka, hindi na kita guguluhin. Hindi na kita aasarin. Lulubayan na kita. Promise. Kaya pumayag ka na." 

"Still, NO. Ano na lang sasabihin ng mga tao? Na may gusto ako sayo? Na type kita? Yuck!!! IMPOSIBLE."

"So you think gusto kita? Para lang sa kaalaman mo, kaya ko to ginagawa kasi may kailangan akong pigilan. And not because I like you. Pwede ba? Tumingin ka muna sa salamin."

"Tch, ang yabang. Hiyang-hiya naman ako sayo. Ikaw na may kailangan sakin, ikaw pa may ganang umasta ng ganyan. Pwes, bahala ka dyan."

Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Please Sofia. Sige na." pagmamaka-awa niya ulit.

"Diba marami namang nagkakagusto sayo? Then why not those girls?"

"Hindi naman totoong girlfriend ang hinahanap ko. Temporary lang. Eh kung sa kanila ako pipili, sa tingin mo ba makikipaghiwalay pa sakin un pag wala na silang silbi sakin.”

"Then it's your problem. Bahala ka na nga dyan. May mas importante pa akong gagawin kesa makipag-usap sayo."

At ayun, umalis na talaga ako. Kahit ano pang sabihin niya, hindi talaga ako papayag. Ano ako, tanga? Para pumayag sa gusto niya? Hmp.

Pabalik na'ko sa auditorium. Nakakainis, ang layo rin pala ng pinagdalhan niya sakin. Dapat nagpapractice na kami sa mga oras na to eh. Kung di lang talaga dahil sa asungot na lalaking yun. Napakawalang kwenta lang naman pala ng sasabihin niya sakin.

"SOFIA."

Huh?! Sino na naman yun? Hinanap ko kung sino ung tumawag sakin. And omy, si Mico pala :"> Bakit hindi ko nabosesan?

"Sofia, san ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap?"

Shocks. Blush muna. Hinahanap niya ako? Talaga?

"Ba-bakit mo naman ako hinahanap?"

"Hindi kami makapagsimula ng practice dahil sayo. San ka ba nagpunta?"

Hay, akala ko naman kung ano na.

"Ah, ehm, may kinausap lang ako. Tara na."

Pagdating namin sa auditorium, yung mga in-charge sa props gumagawa na. Yung mga actors and actresses naman ready na. Ako na lang pala talaga yung hinihintay. Epal kasi nung Cedrick na yun eh.

"President, may kulang po sa props." Lumapit kay Mico ung isa sa mga propsmen.

Lahat ng member ng theater club ay 'President' ang tawag kay Mico. Including me. Pero pag hindi naman siya ang kausap ko, Mico lang ang tawag ko sa kanya. Tulad ngayon =)

Fake to REAL Couple (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon