Chapter 15.1: Welcome Back

219 8 2
                                    

Chapter 15.1: Welcome Back

Sofia’s POV

 

Mag-iisang buwan na simula ng simulan namin ni Cedrick ang pagpapanggap na to. Ang bilis ng panahon. Mag-iisang buwan na pala naming niloloko ang parents namin at mag-iisang buwan ko na ring pinaglilihiman si Mico.

Nakaka-konsensya man, wala akong magagawa. Hindi ko naman hiniling na mangyari to eh. Basta nangyari na lang. Hindi ko rin naman pwedeng isisi ang lahat kay Cedrick dahil parehas naming pinasok ang gulo na to.

“Sofia, gusto daw makilala ng lolo’t lola mo si Cedrick. Bisitahin niyo kaya sila sa probinsya.” Sabi ni mommy sakin.

Wala siyang pasok ngayon. Nag-leave muna siya. Tinutulungan niya rin kasi si ate sa pag-prepare para sa kasal.

Bisitahin NIYO’, sa dating ng sinabi ni mommy, mukhang gusto niya, kaming dalawa lang ni Cedrick ang pumunta.

“Busy po ako eh. Tsaka may pasok po.” Palusot ko. Hindi naman sa ayaw kong makita sila lolo’t lola, ayoko lang talaga umuwi sa probinsya.

“Matagal na rin tayong hindi nakakapunta dun diba? Hindi mo ba sila nami-miss dun? Long weekend this weekend diba? Pwede kayong pumunta dun.”

Oo nga pala. Madaming holidays ngayon. Kaya madami ring walang pasok.

“Eh ma, busy rin si Cedrick eh. Madaming ginagawa un.”

“Nasabihan ko na siya at pumayag naman siya. Ok lang daw sa kanya dahil wala naman daw siyang gagawin.”

Grrr. Ano ba naman yan. Bakit ba pumayag si Cedrick. Madadagdag pa sila lolo’t lola sa mga taong lolokohin namin.

Eh kaso ano pa nga bang magagawa ko kung pumayag na si Cedrick? Mamaya paghinalaan pa kami. Tsaka, miss ko na nga rin sila lolo’t lola. Pati ung mga pinsan ko dun. Pero dapat sila na lang ung pumunta dito. Ayoko talagang umuwi sa probinsya.

***

Araw na ng alis namin. Sinundo ako ni Cedrick sa bahay. Syempre, pakitang boyfriend na naman.

Nilagay na namin ung mga bag namin sa sasakyan. Dalawang araw rin kaming mag-istay dun. Dalawang araw ko rin pagtitiisang makasama si Cedrick -_-

“Tita, alis na po kami. Don’t worry, iuuwi ko po ng ligtas dito sa Sofia haha.”

“He-he-he.” Pilit kong tawa. Ang galing talagang magpanggap ng lalaking to.

Pinaandar na ni Cedric yung sasakyan at balik normal na rin ung itsura niya. Nawala na ung ngiti niyang kanina abot tenga nung nakaharap kay mommy.

“Ano bang pumasok sa utak mo at pumayag kang umuwi sa probinsya?” tanong ko sa kanya.

“Wala.” matipid niyang sagot. Focus siya sa pagda-drive.

“Bakit ka ba kasi pumayag? Pwede ka namang tumanggi. Sabihin mo busy ka. Madami kang ginagawa. Hindi mo naman kailangan magpanggap pa na gusto mo rin ma-meet ung grandparents ko.”

Bigla niyang hininto ung sasakyan, “Ano bang problema mo? Ang aga aga inaaway mo agad ako? Wala naman akong ginawang masama ah. Bakit ka ba nagagalit sakin?!”

“Eh kasi dapat sinabi mo na lang na busy ka. Hindi ka makakapunta. Hindi ka pwede. Ang daming pwedeng i-dahilan pero pumayag ka pa rin.”

“Sana ikaw na lang ung nagdahilan. Atleast hindi ka mahihiyang tumanggi kasi parents mo yun. Eh ako? Niloloko ko na nga sila tapos tatanggihan ko pa ung gusto nila?”

Fake to REAL Couple (On-Going)Место, где живут истории. Откройте их для себя