Chapter 6: Meet the in-laws

1K 25 1
                                    

Chapter 6: Meet the in-laws

 

Sofia’s POV

Ang tagal naman nung Cedrick na yun. Kanina pa ako dito sa meeting place namin ah.

Alam niyo ba kung bakit ako pumayag na sa dinner nila ng family niya muna kami pumunta?

Kasi sabi niya, sandali lang naman daw eh. Tsaka naisip ko din, siguro mas maganda kung malate din ako sa usapan namin nila daddy para madisappoint naman sakin yung family nung lalaki tsaka para pumangit image ko sa kanila.

Diba? Ang ganda ng idea ko. Pero nasan na ba talaga yun? Tawagan ko nga.

“Oi tara na. Sino pang tinatawagan mo?”

Galing sa likuran ko yung boses. Pero I’m sure si Cedrick na yun kaya nilingon ko.

“Ano ba?! Bakit ang—ta—gal—mo....”

Yung boses ko unti-unting humina. Grabe. Si Cedrick ba to? Bakit iba itsura? Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Nag-iiba pala itsura nito pag naka-formal suit.

“Kelan mo pa balak tumayo dyan?”

Tanong niya ulit sakin.

Oo nga. Bakit hindi pa ako tumatayo? Kaya eto, tumayo na ako.

Teka, alam ko iniisip niyo. Hindi ako nagagwapuhan sa kanya sa itsura niya ngayon no. Nanibago lang talaga ako.

Lumabas na kami ng restaurant at pumunta sa.... Parking Lot?!

“Teka, bakit dito tayo pumunta?”

“Anong gusto mong gawin ko? Iwanan ko dito yung kotse ko?”

Owww. So may kotse pala siya. Ok.

As soon as marating namin yung kotse niya, sumakay na kami agad at pinaandar niya ito.

“Bakit ganyan suot mo ngayon?”, tanong ko sa kanya.

“Eto pinasuot sakin ni mama eh. Ewan ko ba dun.”

After ng ilang minutes na byahe, hininto din ni Cedrick yung kotse. Tinignan ko kung anong lugar to.

“Ui Cedrick, bakit dito tayo pumunta?”

Nasa tapat kami ngayon ng Aletheia hotel.

“Bakit? Ano na namang iniisip mo? Wala akong gagawing masama sayo. Asa ka naman. Dito daw kasi yung dinner. Tss, bumaba ka na nga.”

 “Hindi yun yung ibig kong sabihin. Bakit nandito tayo sa hotel namin?”

“Hotel niyo?— Aaah... So?! Ano naman kung hotel niyo to? Hindi ba kami pwede pumunta dito?”

I sighed. Hindi naman talaga yun ung gusto kong sabihin.

“Kasi dito rin kami nila mommy magkikita.” Paliwanag ko.

“Edi mabuti. Mas mabilis tayong makakarating.”

“Oo nga. Pero pa’no kung makita nila tayo bago tayo pumunta sa kanila? I mean, diba makikipag kita muna tayo sa parents mo, pero pa’no kung sila mommy yung unang makakita satin tapos tawagin tayo, hindi na tayo paalisin? Pa’no tayo magpapakita sa parents mo?”

Fake to REAL Couple (On-Going)Where stories live. Discover now