Kabanata 29

1.9K 112 13
                                    

Kabanata 29

They spent the whole week adjusting on their new environment. Natalia's getting bigger and bigger everyday.

Nakaupo sila ngayon sa kama habang ginagawa niyang braid ang blonde na buhok ng anak.

Kumatok sa pintuan si Polo. Nakasabit sa balikat niya ang doctor's coat. He smiled when he saw Natalia.

"Good morning, princess." he greeted.

Tumawa si Natalia sa kanya. Lumapit si Polo at hinalikan ang pisngi nito. Ngumiti na rin si Sam at lumapit sa binata.

"Nat will be sad coz' you'll work for the whole day. Hindi sanay na walang kalaro 'yan." she said.

Tumango si Polo at kiniliti si Natalia. Napahiga ito sa kama at lalong humagikhik dahil doon.

"I know a friend, Sam. We can enroll her at a daycare. May ilang bata doon na two years old. It will be fun for her." he suggested.

"Hindi sanay ang anak ko na maraming kalaro, Polo."

"Then, it's time para mag-adjust siya, Sam. You are now free. We should let her roam and enjoy her privileges."

Tumango si Sam. Polo's right. Malaya na siya dahil hindi na siya nag-eexist sa Pilipinas. Iba na din ang presidente dahil sa pagkakaimpeach ni President Eduardo Villafuerte three years ago.

"Okay. I will think about it, Polo. I am still afraid from last week." she confessed as she watched Natalia running around.

"He probably moved on, Sam. You should too. Just think of your daughter, okay? Natalia should be your first priority."

Huminga ng malalim si Sam. That's the truth. Lumalaki na si Natalia kaya dapat pagtuunan ng pansin.

Lumabas na sila para ihatid si Polo sa labas.  Inasikaso ng helper si Natalia. She watched tv while she's reading on her laptop.

Marami na ang nangyari. Napatalsik si President Villafuerte noon dahil sa mga kaso na isiniwalat ni Olivia Villafuerte-Querio. That was the biggest issue three years ago kaya natabunan ang mga articles tungkol sa kanya.

Nagclick siya ng isa sa mga link tungkol sa pagkamatay niya. Ayon doon, Natagpuan ang bangkay niya sa isang cliff sa Laoag sakay sa kanyang motorsiklo. Napatunayan iyon ng kumpirmahin ni Kristoff ang sample ng dna na nakuha roon. Sunog na sunog ang katawan niya kaya nahirapan ang pulisya pero sa huli ay sinarado din ang kaso.

That was the last article about her. Sumunod noon, wala na. She was so curious that she typed Major's name on the internet.

"Mama!" Natalia screamed. Nilingon niya saglit ang anak na tinuturo ang isang barbie doll sa commercial.

Ngumiti siya sa anak at tumango. Bumalik si Natalia sa panonood ng tv. Nilingon niya muli ang phone niya at nakita ang ilang article mula sa binata. Agad niyang hinanap ang ilang balita three years ago.

"The Querio's in deep pain as they mourned ." Binasa niya ang nasa headline.

Naroon ang isang litrato sa sementeryo kung saan ang mga Querio ay nakatungo sa lapida ni Althea at may hawak na mga puting rosas.

Battle Scars (Querio Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon