Kabanata 13

2.1K 93 19
                                    

Kabanata 13

03
12
19
07
30

"Tyler. Check the perimeter! Pong, maiwan ka dito sa tabi ni Attorney." Utos ni Athos at kinasa ang baril niya.

Tumango ang mga ito at sinunod ang utos ng binata. Pinagmasdan ni Samuela ang paligid bago tinitigan ang pamilyar na mga numero na nakaguhit sa kotse nila gamit ang pintura.

"Ma'am!" Sigaw ni Pong ng lumakad siya papalapit dito. Kabadong sumunod sa kanya ang sundalo.

"Huwag ka masayadong lumapit, Ma'am." Utos ni Pong.

"What is the meaning of this?" Tanong niya sa mababang boses.

"You saw this?" Boses iyon ni Athos at tumabi na din sa kanya.

"Through Attorney Bustamante." She answered.

"What? You never told me." Nilingon na siya ni Athos bakas ang iritasyon.

"I didn't know I have to tell you everything, Major." Inis na sabi niya.

"You really know how to hurt a man's ego, Attorney." Makahulugang sabi ni Athos.

She pursed her lips. Alam niyang rude siya pero hindi niya maiwasan. After that incident in that doctor's office?

Nilingon siya ni Athos.

"We are partners, Attorney Montecillo. I let you in this case so you should do the same for me. Tell me informations that you gather, I tell you mine. That's how this investigation works." Pangaral niya.

Huminga ng malalim si Samuela. She knew that she's being stubborn right now. Kung anuman ang inis niya, dapat lang na isantabi niya iyon.

"Bustamante gave me a piece of paper with these numbers." She explained.

"Base sa pintura, Major... kanina pa ito." Pinakita ni Tyler na tuyo na ang pintura.

"Let's go to my office. May tinago akong recorder when we were talking" She said.

"Are you sure you're okay going there?" He asked.

Binuksan ni Samuela ang pintuan at nagkibit balikat.

"I opened the door so, I guess so. Hop in." She ordered.

Pumasok na sila sa kotse. Nagdrive si Pong habang nasa passenger naman si Tyler. Tahimik sa likuran sina Athos at Samuela.

Nagulat na lamang sila ng may pumutok na baril mula sa bintata. Galing iyon sa dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo.

"Putangina!" Mura ni Pong at pinaulanan din ng baril ang motorsiklo.

Agad namang hinila ni Athos ang abogada para isubsob sa mga hita niya pqra maprotektahan. Binuksan niya ang bintana at  nag-umpisa na ding makipagpalitan ng putok sa mga ito.

"What the hell!" Sigaw ni Samuela sa bawat putok ng baril at sinubukan niyang umupo ng maayos pero diniin siya ulit ni Athos sa kanyang hita.

Battle Scars (Querio Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon