Kabanata 19

2.1K 106 9
                                    

Kabanata 19

Napaangat ang mga mata niya mula sa mga kaso papunta sa pagkatok sa pintuan. Dumungaw doon ang nakangiting si Jessa sa kanya.

"Attorney, nandito na po si Major..." Ngisi niya.

"Yeah. Wait a second. I'll wrap this." She said.

Nang mag alas sais ay lumabas na siya. Nakapamulsa ito ngayon at kausap ang pinsan.


Nang makita siya ng dalawa ay ngumiti sita at naglakad na papunta rito. Lumakad sa kanyang banda si Athos at hinaplos ang kanyang baywang.

"Give me this," Ani Athos sa mga folders na dala niya.

"Athos, Tito and Tita asked me to give you this. Thea is thrilled." He handed a pink invitation.

Kinuha iyon ni Athos at saglit na binasa bago ilagay sa likurang bulsa. Napansin naman ni Gregory ang paninitig ni Samuela doon.

"Since you are his girlfriend... you should join him."

"Saan?" Tanong niya.

Nginuso ni Greg ang bulsa ni Athos. Tumikhim si Athos sa kanyang girlfriend at hinawakan ang kamay nito.

"Of course, Greg. She'll come with me." Pagkumpirma ni Athos sa pinsan bago siya binalingan.

Pinakita nito ang invitation. Hinaplos iyon ni Samuela bago binuksan. Binasa niya ang nasa kulay ginto na sulat roon.

It was an invitation for Althea's sweet sixteen. It's his sister... And it's so soon! It will be next monday.

"Hindi ulit ako coconvoy. Sina Hans na lang 'yun. May lakad ako ngayon kasama si General." Tikhim ni Greg ng sumakay sila sa elevator.

"This is a first time. What agenda?" Tanong ni Athos.

Nakanguso si Samuela. If she's not wrong... it is General Querio they're talking.

"Kina Judge de la Vega, lang. May pabor na hinihingi si General." Bulalas ni Greg.

Bumukas ang elevator. Magkahawak kamay pa din sila ni Athos. Pinatunog ni Greg ang kanyang sasakyan at bumusina bago umalis.

"Judge de la Vega? Judge Victor?" Tanong ni Samuela.

Giniya siya ni Athos papasok sa passenger seat. Sumunod siya at ikinabit ang kanyang seat belt habang umiikot si Athos papunta sa driver seat.

"Yeah. Don't worry about that." Sagot ni Athos at pinaandar ang makina.

"Sumama lang siguro iyong si Greg kasi may ibang pakay sa mga de la Vega." Makahulugang sabi ni Athos.

Tumango si Samuela sa binata.

"It's a wonder that you're acquainted with the de la Vega... you know I was mentored by Judge de la Vega at madalas ako sa bahay nila noong nag-aaral ako but we never see each other." Bulalas niya.

Napanguso si Athos sa sinabi niya. Kinabig nito ang sasakyan sa intersection.

"You never saw me... but I saw you once." He said.

Battle Scars (Querio Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum