Chapter 3: True Zarcovian

16 1 0
                                    



"Grabe ang ganda talaga dito sa Zarcovia..." Muli na namang bulalas ni Morgan habang pinagmamasdan ang lahat ng kanilang nakikita. Papasok na sila ng tarangkahan at kasalukuyang inaabangan ang pagbubukas ng napakalaking pinto na umaangat pataas. Ilang sandali pa at tumunog ang tarangkahan na tila bumangga na sa kisame nito na senyales na tuluyan na itong bumukas. Nginitian siya ni Astrid at sinenyasan na pumasok na sila. Naglakad sila ng marahan papasok ng palasyong iyon.

Sinalubong sila ng mga magkakatabing tagapagsilbi na pare-pareho ang suot na damit na itim at light-blue at nagmistulang palamuti sa dadaanan nila. Nakayuko ang mga ito sa kanya habang ang ilan namang mga wizards na estudyante rin dito sa Zarcovia academy ay hindi magkamayaw makita lang siya. Ang iba sa kanila ay nakasilip sa balkonahe.

'Grabe tong mga to, ganto ba talaga ako kagwapo?'

Napakaganda sa loob niyon na mistulang mansyon na moderno at kumikinang sa kintab ang mga gamit at palamuti na walang bakas ng pagkaluma. Mukhang bago pa rin ang lahat. Nasa loob siya ng compound at wala pa man din sa isa sa mga silid nito subalit nabubusog na ang kanyang mga mata sa paglibot sa paligid.

"Mauna na ako sa inyo, may kailangan pa akong kausapin." Paalam ni Azarel. Tumango naman sa kanya si Morgan at pagkatapos ay tuluyan na itong umiba ng daan.

"Isipin mo lang na para kang isang prinsipe..." Bulong sa kanya ni Astrid at pagkatapos ay huminto na ito sa paglalakad. Ipinagtaka naman ito ni Morgan at susubukan pa sanang huminto subalit dalawang tagapagsilbi ang humawak sa magkabila niyang braso at inalalayan siya patungo sa dapat niyang puntahan. Sinulyapan na lamang niya ito ng tingin, kumakaway lamang ito sa kanya habang nakangiti, hanggang sa tuluyan nang nawala sa kanyang paningin si Astrid dahil sa dami ng tao.

"Teka lang sandali..." Pigil niya sa mga ito subalit tila hindi siya naririnig ng mga ito dahil sa dami ng tao at ingay nila. Mukhang inaasahan na nila ang pagdating ng kanilang bagong Archsage.

Tinahak nila ang napakagandang pasilyo patungo sa isang silid na may napakagandang pinto at may dalawang tagapagsilbi na nagbabantay sa harapan nito. Iginiya siya ng mga ito sa gilid at pinagbuksan sa pasukan nito na may dalawang pinto.

Inihayag ng isa ang kanyang kamay na tila sinasabing nararapat na siyang pumasok sa loob. Sinunod naman niya ito at nginitian ang tagapagsilbi.

Nag-aabang sa kanila ang isang babae na ubod din ng ganda, si Madam Anastasia. Nasa edad treinta na ito subalit kung titingnan lamang sa kanyang mukha ay hindi halata ang kanyang edad at may suot na salamin. May katangkaran ito at mapapansin din ang napakagandang hubog ng kanyang katawan at malulusog na dibdib. Kulay berde ang kanyang buhok na nakaayos ang bangs na nasa isang gilid lang ng kanyang mata habang nakatali ito sa likod. May itim na sombrerong matulis din siya na suot at itim din na damit na mukhang pormal subalit kakaiba pa rin at fit sa kanyang katawan na litaw ang cleavage. 3/4s ito na ang dulo ng manggas ay may napakahabang matulis na putol na halos umabot sa kanyang paanan. May hawak itong wand na tila kanina pa niya pinaglalaruan bago dumating si Morgan.

Nang mapansin niya ang pagbubukas ng pinto ay humarap siya dito at agad na sinalubong si Morgan. Yumuko naman ang mga tagapagsilbi at magkasabay na lumabas ng kwarto, isinara nila ang pinto at nagtataka naman silang sinundan ng tingin ng binata.

"Ikaw na ba talaga yan? Ang tagapagmana ng Zarcovia?" Tanong nito sa kanya sa napakaamo nitong boses gayong alam na rin naman nito ang sagot. Humarap sa kanya si Morgan na napangiti nang makita ito.

'Buti na lang pala sumama ako... andami palang malulusog este magagandang chics dito'

"Sa tingin ko..." Tugon ni Morgan. Ngumiti naman ang babae at tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 02, 2020 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Arcane Realm: The Wizard PrinceDonde viven las historias. Descúbrelo ahora