Chapter 1: Who am I

15 2 0
                                    


Kinuha ni Morgan ang isa sa kanyang mga libro na may kinalaman sa Magic at kung anu-ano pang bagay, nakakalat na naman kasi ito sa sala nang makita niya ito at mukhang pinaglaruan na naman ng kanyang step sister. Inilagay niya ito sa maliit na bookshelf na katabi ng mga wattpad books ng step sister niyang si Debbie. Napabuntong hininga siya nang makitang nilagyan niya ito ng harang para hindi mailagay ni Morgan ang kanyang libro, mga folders at papel na kung tutuusin ay dapat nang itapon. Inilagay na lamang niya ang libro sa nakasabit niyang bag upang hindi na ito muli mapagkadiskitahan ng kanyang step sister.


Inilibot niya ang kanyang mga mata sa bahay na araw-araw naman niyang nakikita subalit tingin niya ay hindi siya kabilang. Wala na naman ito sa kaayusan at nakakalat ang mga gamit. Palagi naman niya itong inaayos subalit sa tuwing dumarating sa bahay si Debbie ay nagmimistula na namang may nagwalang demonyo dito. Nakasuot na ng uniporme ang binata dahil papasok na rin naman siya ng school. Napabuntong hininga na lamang siyang muli habang kinukuha mula sa sabitan ng jacket ang kanyang hoodie na kulay itim na parati niyang suot.


"Oh? Aalis ka na namang bata ka, tingnan mo naman yung kalat dito, ni hindi mo man lang niligpit?" Susuray-suray na wika ng isang lalaking walang pang-itaas at pabagsak na binuksan ang pinto dahil sa kalasingan, ang kanyang step dad na si Lino, susuray-suray pa ito habang naglalakad papasok ng bahay, halos hindi na ito makatayo dahil sa sobrang pagkahilo. hindi naman na siya pinagtuunan ng pansin ni Morgan at iniabot na lamang ang nakasabit niyang bag at isinukbit sa kanyang likuran at saka naglakad patungo sa pinto habang sinusundan siya ng tingin ni Lino. Huminto siya sa harap nito nang hindi man lang ito tinitingnan.


"Aalis na po ako." Matamlay niyang sambit at saka muling binuksan ang nagsarado nang pinto, lumabas siya dito at pagkatapos ay isinara, pinabayaan na lamang niya ang lalaking lasing sa loob ng kanilang bahay.


Nilakad lamang niya ang kanilang school na malapit lamang sa kanilang village. May ilang bench siyang nadaanan na kung saan alam niyang nakatingin sa kanya ang mga taong nakaupo roon at hinuhusgahan siya sa nangyaring insidente kahapon. Isinuot na lamang niya ang hood ng kanyang jacket at baka sakali ay hindi na siya tingnan ng mga ito.


"Hoy, Morgan... ba't di ka pa bumabalik ng impyerno ah? hahahaha..." Pang-aasar ng isang lalaki na nakaupo sa ibabaw ng kanyang kotse kasama ang tatlo niyang kaibigan habang nasa tabi sila ng kalsadang dadaanan ni Morgan. Nag-apir pa ang mga ito at nagtawanan dahil sa sinabi ni Winston na siyang may-ari din ng kotse. Kulay blonde ang buhok nito na kinulayan lamang niya. Palihim naman silang tiningnan ng masama ni Morgan na bahagya lamang sumilip sa hood ng kanyang jacket. Bahagya na lamang siyang umiba ng direksyon upang iwasan ang mga ito subalit naramdaman niya na may humawak sa kanyang balikat na tila pinipigilan siyang makaalis.


"Teka muna, kinakausap ka pa namin eh aalis ka na agad?". Narinig niya ang boses ni Winston na nagsalita sa likuran niya. Bahagya naman nagkaroon ng kulay asul na liwanag ang kanyang mata dahil dito, nakakadama siya ng hindi mapigilang pwersa sa kaniyang katawan na pilit niyang pinipigilan. "Demonyo ka daw sabi nila? Pakita mo naman sa amin kung paano ka magbagong anyo..."


Tinutukoy ni Winston ang nangyari sa classroom nila Morgan kung saan isang estudyante ang nambubully kay Morgan at binugbog siya. Hanggang sa bigla na lamang itong lumutang maging ang ilang mga gamit sa school. Ibinalibag niya ang kanyang kaklase at magmula noon umiwas na ang ilang mga tao sa kanya at tinawag pa siyang demonyo. Hindi nasaksihan ni Winston ang pangyayaring iyon bagaman isa siya sa mga taong umaalipusta sa binata. Hindi alam ni Morgan kung saan talaga nagmula ang kakayahan niyang iyon at hindi niya rin kilala ang kanyang sarili. Iniharap siya ni Winston sa kanya, nakangiting aso ito at mabuti na lamang ay nawala na ang liwanag sa mata ni Morgan.

Arcane Realm: The Wizard PrinceWhere stories live. Discover now