Arcane Realm

27 2 0
                                    


 Arcane Realm na ang ibig sabihin ay mundong puno ng hiwaga, karaniwang iniuugnay sa mahika. Ang mundong tinutukoy dito ay ang bayan ng Zarcovia isang lupain na karamihan sa mga naninirahan ay pawang mga wizard mga taong may kapangyarihan na manipulahin ang mga bagay gamit ang natatangi nilang kapangyarihan, subalit ang mundong ito ay hindi matatagpuan sa mundo natin, isa itong mundong nasa alternate dimension o gaya ng isang parallel universe at ang tanging paraan lamang upang marating ito ay gamit ang isang susi na tinatawag na zarion cube.


Ang mga wizard ay nahahati sa tatlong paksyon o pangkat una ang mga dark wizards na kinabibilangan ng mga shaman, druid at witches at may kakayahang kontrolin ang itim na mahika, pangalawa ang mga mage at sage (mas malakas na klase ng mage), hawak naman nila ang anim na klasipikasyon ng kapangyarihan ng kalikasan, ang water, lightning, wind, vegetation, earth o terra at ang fire, at ang panghuli, ang light wizards na may kakayahan laban sa itim na mahika at kinabibilangan ng mga monks, priest at guardians na may kakayahan ng pagpapagaling at soul restoration.


Bawat klase ng magic ay may kahinaan ang dark magic ay mahina sa light, ang light naman ay mahina sa nature magic, habang ang nature magic ay mahina naman sa dark na kung iisipin ay nag-iikutan lang, ito ay upang mapanatili ang balanse sa pagitan ng bawat klase ng magic at hindi maaaring magkaroon ng lamang, ang bawat isa ay pinoproteksyonan ang bawat isa laban sa kung anong mahina dito, gayundin ang klase ng magic ay mahina din sa kapwa nito upang mabalanse naman ang proteksyon sa isang paksyon ng kapangyarihan, halimbawa, ang nature magic ay may anim na klase at ang earth ay mahina sa wind, ang wind mahina sa lightning at ang lightning mahina sa earth, gayun din sa fire na mahina sa water ang water naman ay mahina sa vegetation, at ang vegetation ay mahina sa fire. kagaya ng iba ay nag-iikutan lang din ito. sa dark naman ay mahina ang shadow magic (druid) sa witchcraft, ang witchcraft ay mahina sa gespenst (shaman) at ang shaman ay mahina laban sa druid. habang ang light naman ay hindi na nagkaroon ng kahinaan sa kapwa niya dahil hindi tumatalab ang magic na ito laban sa kaparehong magic.


Kung iisipin ay napakaayos na ng ganitong sistema subalit paano kung mawala ang isa sa paksyon ng wizard? Magiging mahina laban sa malakas na lamang ang matitira at magkakaroon ng matinding kaguluhan kapag nagkaganoon, kaya may isang klase ng wizard na nag-iisang tao lamang at tinatawag siyang Archsage, siya ang pumapagitna sa lahat ng klase ng magic sapagkat lahat ng klase ng magic ay kaya niyang kontrolin at nagsisilbing pinuno ng bayan ng Zarcovia.


Ang kaso nagkaroon ng problema, naglakbay ang karamihan ng mga light wizards sa morgonia ang bayan ng mga swordsman at mga taong hindi gumagamit ng magic upang hanapin ang isang spell na magrerestore sa kapangyarihan ng archsage na si Ammodeus (A-mo-de-yus), tumatanda na ito at humihina na ang kapangyarihan, iilang light wizards na lang ang natitira at isa itong malaking banta sa mga mage, ang maaari lamang pumalit sa kanyang trono ay isang tao na pinipili ng crystal ng Zarcovia sa oras na magliwanag na ito, ang ibig sabihin ay mayroon nang bagong itinakda upang maging isang archsage. Si Astrid ang isinugo upang hanapin ang taong iyon na ayon sa nakasulat sa propesiya ay isang wizard na magmumula sa mundo ng mga tao. Subalit kailangan niyang bilisan dahil nagbabanta ng pag-aaklas ang mga dark wizards na anumang oras ay maaaring lipulin ang mga mage.


The Dark Wizards

witch

witch

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.
Arcane Realm: The Wizard PrinceHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin