Chapter 2: Welcome to Zarcovia

7 1 0
                                    

"T-teka sandali-" Hindi na naituloy ni Morgan ang sasabihin niya ng mabilis siyang hinatak ng babae at inilapit sa tabi nito. Mayroon siyang tila sign language na ginawa sa kanyang kamay at biglang nagkaroon ng dilaw magic circle sa ilalim nilang dalawa na malaki. Pagkatapos ay biglang nadurog ang lupa sa bilog kung nasaan ang circle at biglang umangat na tila isang hover board. Muntik pang mawalan ng balanse si Morgan mabuti na lamang ay nagawa niyang makakapit sa babaeng nasa gitna at katabi niya.


Napansin naman iyon ng lalaking kalaban niya kanina at tiningnan sila habang umaangat ang kanilang sinasakyang lupang aspalto sa sidewalk. Muli siyang bumuo ng bilog na itim na liwanag sa kanyang kamay at sinubukang asintahin ang dalawa. Mabuti na lamang at nagawa niyang imaniobra at iiwas ang kanilang sinasakyan upang hindi sila tamaan.


Nanggigil ang mukha ng lalaki at pinagmasdan na lamang habang tumatakas ang dalawa. Ginawa niya rin ang tila sign language sa kamay subalit iba ang position ng kanya. Nagkaroon naman ng kulay lilang magic circle sa paanan niya at siya ang nasa gitna nito. Lumabas mula sa circle ang mga hugis taong anino at tanging kulay lilang liwanag lamang mula sa kanilang mga mata ang makikita at pawang itim na lahat. Nasa dalawampung anino ang lumabas sa bilog at ikinumpas niya ang kanyang kamay patungo sa direksyon nila Morgan upang sundan sila ng mga ito. Tumakbo naman ang mga iyon na simbilis ng hangin at sinundan ang dalawa upang hindi sila makatakas.


"Cursed Shadows!" Usal ng babae nang makita ang mga itim na aninong humahabol sa kanila. 


"Kailangan nating magmadali, hindi kayang tumagal ng mahika ko sa ganyang klase ng kapangyarihan."


"A-ano? Ba't di mo na lang sila labanan mukhang kayang-kaya mo naman sila?" Suhestyon sa kanya ni Morgan habang nakakapit ito ng mahigpit sa kanya. Umiling-iling ang babae sa kanya bilang tugon.'


"Hindi pwede, mas malakas ang dark magic ng shaman kaysa sa kapangyarihan naming mga mage!" Saad nito na naging dahilan upang lalong bumakas ang kaba sa mukha ni Morgan.


"Magtago na lang tayo!" Muling suhestyon ni Morgan subalit mukhang hindi pa rin iyon ang tamang gawin.


"Hindi rin pwede, walang lugar na hindi nila kayang hanapin at isa pa mas malakas sila sa madidilim o malililim na lugar, liwanag ang siyang nagpapahina sa kanila... tama, liwanag..." Tiningnan niya si Morgan na tila may iniisip ito sa kanya. "Ikaw ang lumaban sa kanila..."


"A-ano ako?"


"Oo."


"Pero wala akong kapangyarihan gaya mo!" Angal ni Morgan, napakunot naman ng noo ang babae dahil sa kanyang tinuran. Napatingin siya sa kaniyang gilid at sa kanilang tabi ay may mga cursed shadows na rin na tumatakbo sa mga rooftop ng gusali na kasintaas ng inililipad ng lupang kanilang sinasakyan.


Tumalon ang dalawang cursed shadow sa kanilang sinasakyan at tila tumagos sa loob nito. Ilang sandali pa at dalawang kamay ng cursed shadow ang humawak sa magkabila nilang paa. "Aaaahhh, ayoko pang mamatay!!" Sigaw ni Morgan.


"Isa kang Archsage! kaya mong kontrolin ang lahat ng klase ng mahika kaya paanong hindi mo kaya?" Usig sa kanya ng babaeng hindi niya kilala. Tila lalo lamang siyang naguluhan sa mga tinuran nito sa kanya.

Arcane Realm: The Wizard PrinceWhere stories live. Discover now