Kabanata 19

4.5K 96 5
                                    


NAKAUPO ako ngayon sa puntod ni Brianna. Yakap ko ang tuhod habang kanina pang umagang nakatulala sa nakaukit niyang pangalan. Malapit nang mag-tanghali. Tinitigan ko lang iyon nang matagal kasabay ng pagdagsa ng aming mga alaala. They say, when people die, they were dead already, literally—no more spirits, no more presence that they're still with us. I did believe in that but I visited her tomb today to reminisce and to calm my chaotic mind.

Brianna was one of my treasures; and that would remain still. Isa siya sa mga taong nagpakita ng kabaitan at nagparamdam sa akin kung ano ang pakiramdam ng minamahal. Hanggang ngayon, masakit pa ring isiping nawala siya at ako ang dahilan.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa panginginig nito. Sa tuwing naaalala ko ang matamis niyang ngiti ay lalo akong namumuhi sa sarili. Hindi ko pa napapatawad ang sarili ngunit gumawa na naman ako nang mas ikababaliw ko.

Hinaplos ko ang kaniyang lapida. I didn't have someone to talk to aside from her. Sa kaniya lang naman ako nakakalabas ng mga hinanaing.

"Alam kong sagad sa buto ang galit n'yo sa akin lalo na ngayon," bulong ko at hindi na napigilan ang emosyon. "Wala na akong ibang ginawa kundi mag-sorry sa inyong lahat." Suminghot ako at kumuyom ang kamaong nasa kaniyang lapida. "P-pinatulan ko si Landon, Bri. Alam kong kaya ko pang gumamit ng ibang paraan para mapagaling si Lolo pero nagpatukso ako," amin ko at tuluyan ng bumigay.

Hinamig ko lalo ang sarili. "Siguro kung buhay ka lang ngayon, hindi mo na ako ituturing na kaibigan dahil pinatulan ko 'yong fiancé mo," natatawa kong dagdag habang namamalisbis ang luha. "P-pero huwag kang mag-alala, habang buhay akong hihingi ng kapatawaran sa inyong lahat at sa Itaas."

Naglagi pa ako roon ng ilang oras bago nanlalantang bumalik ng bahay. Nang makita ko si Lolo ay para akong nagkaroon uli ng lakas. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi, nakangiti ito sa akin. Siya na lang ang natitirang nagbibigay pag-asa sa akin para mabuhay.

"Ilang tulog na lang 'Lo," kapit ko sa kaniyang kamay.

Kinakabahan ako sa kaniyang operasyon pero kailangan kong maging matapang. Mag-uusap kami ni Doc bago ang nakatalagang operasyon pero hindi ko pa alam kung kailan, baka sa Miyerkules dahil Biyernes ang schedule ni Lolo sa surgery.

"Mahal kita apo," untag niya na siyang nagpainit sa aking puso.

Hinalikan ko siya nang mariin sa noo. "Mas mahal po kita," sagot ko at nginitian siya.

Ang natitirang oras namin ay inilaan sa pagpasyal kay Lolo sa isang children's park ilang metro lang ang layo sa bahay. Linggo ngayon kaya't maraming bata na siyang ikinatuwa niya.

"Bigyan mo na rin ako ng apo sa tuhod Arisha," nakangiti niyang tingala sa akin.

Napangiwi kami pareho ni Gandara. "Pwede namang ako na lang magbigay 'Lo!" Singit ni Gandara pero hindi siya pinansin nito.

Natawa ako nang mahina at tumango. "Basta ba stay strong tayo 'Lo, bibigyan kita agad."

Nangislap ang kaniyang mga mata. "Talaga apo? Gusto kitang makita kung paano mag-alaga ng bata." Masigla ang tono niya sa kabila ng hirap sa pagsasalita. "K-kailan mo ako bibiyan ng apo sa tuhod?" Usisa pa niya kaya't hindi ko na napigil ang paghagikgik.

"Pagkatapos ng operasyon n'yo 'Lo, bibigyan kita agad!" pagbibigay motibasyon ko sa kaniya.

"Aasahan ko 'yan," mahina niyang bulong at muling tumanaw sa naglalarong mga bata.


LUNES pa lang ng umaga ngunit abala na ang lahat. Bibisita kasi ang pamilya ni Landon para bisitahin ang kompanya. Maski ako ay kabado dahil tiyak kong makakasalamuha ko sila mamaya.

Ruined ✔Där berättelser lever. Upptäck nu