Kabanata 11

3.7K 94 6
                                    


"ANO'NG ginawa mo kagabi?" Bungad ko sa bagong paligong manloloko.

Katatapos ko lang magpaalam kay Lolo at Gandara para sana dumiretso na sa opisina nang mabungaran ko si Niel sa labas ng bahay.

Umakto akong kaswal na parang walang nalaman kagabi. Ibinigay niya sa akin ang helmet ng motor at tinanggap ko iyon bago isinuot sa ulo. Sumampa na ako sa likuran ng kaniyang sasakyan.

Napakunot-noo siyang sinulyapan ako. "Nasaan 'yong gamit mo?"

Isinuksok ko ang cell phone sa bulsa ng suot kong blusa habang nakatagilid ng upo. "Iniwan ko sa office kahapon," pagsisinungaling ko. "Ano'ng ginawa mo kagabi at busy ka?" ulit ko sa lumilihis ng tanong.

Hindi ko napansin ang reaksyon niya dahil isinuot niya na rin ang helmet bago sumakay. "Nagpatulong lang mga kasamahan ko sa trabaho dahil nagkukulang ng pera."

Kalmante kong ikinapit ang kamay sa kaniyang baywang. "Ganoon? Ano'ng oras kayo natapos?"

Hindi ko alam na masaya pala ang ganito, ang hulihin ang tao sa kaniyang kasalanan kahit naman alam mo na ang totoo.

"Mga alas-diyes tapos na kami. Pasensiya na at nakapatay cp ko, tutok kasi kami masyado."

Lalong nagngingitngit ang kalooban ko sa kaniyang pagsisinungaling. Baka tutok ka sa babae mo!

"Ang galing..." mong magsinungaling! Gusto kong idugtong ang dalawang nahuli pero pinigil ko ang sarili.

Dumating kami sa kompanya nang matiwasay. Agad kong inalis ang helmet at ibinigay sa kaniya. Tinitigan ko siya sa kaniyang mata. Hindi ko alam kung ano pa ang katotohanan sa ipinapakita niya roon.

Isinabit ko ang aking mga braso sa kaniyang leeg. Napatda siya sa aking ginawa. Hinalikan ko siya nang marahas bago kinagat nang mariin ang pang-ibaba niyang labi bago bahagyang umatras at ngumiti na parang walang nangyari.

"Huwag mo na akong sunduin mamayang uwian ha?" Ngiti ko pa rin kahit gustong-gusto ko na siyang sampalin.

Nakanganga niya pa rin akong pinagmamasdan hanggang sa tumalikod na ako papasok ng building. Pagtapak ko pa lang sa loob para sana mag time-in ay nakarinig ako nang mabagal na palakpak na siyang pumunit sa katahimikan ng ground floor.

Iginala ko ang mata at lahat ay nakatingin lang kay Landon na nasa tapat ng visitor's area. May ngisi sa kaniyang labi taliwas sa talim ng kaniyang titig. Lahat ng mga tao ay natahimik. Hindi ko siya pinansin at tumungo na para mag time-in.

Agad na akong tumungo ng elevator matapos. Sumunod si Landon habang hindi inaalis ang tingin sa akin. May nais pa sanang makisabay sa amin kaso ay mukhang nahiya dahil nasa loob ang boss.

Sumara na ang pintuan ng elevator. "Good morning Sir," bati ko.

Tiningnan niya lang ako mula sa saradong pintuan ng elevator. "Glad that you didn't break up with him yet." Lumitaw na naman ang ngisi sa kaniyang labi.

"I did not do it because you said so, Sir."

"Hmm-mm. Then why? Because you still love him?" Usisa niya.

Naiirita ko siyang tiningnan. "Bakit interesado ka sa relasyon namin?"

"You know, I've been thinking this since I discovered about your cheater boyfriend..." Humalukipkip siya at humarap sa aking gawi. "Why don't we cheat on him so you can get even?"

Sarkastiko akong tumawa. Napailing pa ako nang marahan. "Are you that desperate to get inside of my pants Sir?"

"I'm just helping you to get your revenge." Kibit niya ng balikat.

Ruined ✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora