Kabanata 8

3.5K 87 13
                                    


HUMINGA ako nang malalim at pinasadahan ang suot na pencil cut skirt at creamy long sleeves button-down habang nakatingin sa nakasarang pinto ng elevator. Bumukas na iyon at lumabas ako para tumungo sa table. Katatapos ko lang mag-break sa cafeteria kanina at hindi ko pa rin siya napapansing lumabas ni minsan... ewan ko na lang kung lumabas ba siya no'ng nagmeryenda ako.

It was already past nine in the morning and I needed to inform Landon for his meeting few minutes from now. Dala-dala ang listahan ng kaniyang schedule ay mahina akong kumatok sa kaniyang pinto.

Inulit ko pa ang pagkatok at nang wala uli akong narinig na tugon ay simangot akong bumalik sa aking mesa at nagsalita sa intercom.

"Sir, you'll be having a meeting ten minutes from now in the conference room," I informed him but still, there was no response.

Napairap ako sa hangin at hindi na lang siya muling pinansin pa. Nakita ko siyang pumasok kaninang umaga dahil mas maaga ako sa kaniya. Yumuko ako at binati siya na parang walang nangyari pero tinapunan niya lang ako ng tingin.

Ngali-ngali ko siyang batuhin. Hindi pa rin ako maka-move-on sa kaniyang mga pinagsasabi. Nagdadalawang-isip din ako kung dapat ko ba siyang kausapin nang masinsinan. Kasi sa totoo lang hindi matatapos ang ilangan naming nararamdaman kung hindi ako hihingi uli ng kapatawaran.

Bigo akong nakahingi ng tawad sa pamilya ni Brianna. Sana man lang kahit sa fiancé niya ay hindi na. Habang lumilipas kasi ang mga araw, mas lalo akong hindi matahimik... lalo na noong huli naming sumbatan ni Landon. Sa sobrang pagmamahal niya sa kaibigan ko ay halos hindi ko na siya makilala dahil sa pagkawala ng mahal niya.

And it was my fault, I knew! Alam ko na 'yon at hindi 'yon naaalis sa isip.

Ilang minuto pa ay nagawi ang tingin ko sa mga bagong dating. Mr. Gutierrez and his secretary! Atubili akong tumayo at lumapit sa kanila bilang pagbati.

"Good morning, Sir! Please proceed to the conference room. I'll just call Mr. Grenaige," nakangiti ko pang inilahad ang kamay habang iminuwestra sila sa conference room.

Kumunot ang kulubot na mukha ng matanda. "Oh, I thought he's already there. Okay I'll wait," at dumiretso na nga silang dalawa roon.

Taranta kong tiningnan ang mukha sa maliit na salamin kung presentable ba akong nag-approach sa kanila kanina. Inilang hakbang ko na ang opisina ni Landon at agad iyong binuksan nang matigilan sa nasaksihan.

Nablangko ang isip ko at ilang segundong napatanga bago ako tumili at tumalikod. Anak ng puting tupa! Talagang dinala niya pa ang kababuyan niya rito? At saan galing 'yong babae?

Nakarinig ako ng mura mula sa babae bago ito dali-daling naghanap ng pantakip sa kahubdan. Kagat-labi akong tumalikod nang ilang minuto bago muling humarap. Umaandar ang oras at kailangan na niyang makipag-meeting!

Kalmanteng nagzi-zipper si Landon ng kaniyang suot na slacks habang nakataas-kilay na nakatitig sa akin. Hindi na talaga siya nahiya? Sinundan ko ng tingin ang babaeng nakahubad habang bitbit ang mga damit na tumakbo patungong cr. Tumayo ako nang tuwid at bumaling kay Landon na naglakad sa mesa at uminom ng alak mula sa kopita.

"S-sir, nasa conference room na po si Mr. Gutierrez."

Tiningnan niya ang relong pambisig bago tumango sa akin. Nagsimula na siyang lumakad palabas kaya't wala akong nagawa kundi ang sumunod habang bitbit ang netbook na paglalagyan ng makakalap na impormasyon.


ILANG beses ko ng gustong mapairap sa hangin dahil tila wala sa konsentrasyon si Landon habang kanina pa nagsasalita si Mr. Gutierrez tungkol sa project proposal nito. Nakasandal lang siya sa kaniyang upuan at nakahalukipkip habang nakatitig sa mesa. Ako na mismo ang nahihiya kay Mr. Gutierrez at sa sekretarya niya.

Ruined ✔Where stories live. Discover now