Kabanata 3

4.2K 90 5
                                    


NAPASINGHAP ako't agad napalingon sa aking likuran. There he was again. Right fist on his jean's pocket while the other one was holding a bottle of Alfonso. His dark eyes darted on mine, burning my soul.

Napaiwas ako ng tingin at agad na nag-ayos bago tumayo. Saglit ko mang nadalaw si Brianna ay sapat na sa aking nakapunta ako ng puntod niya. Humarap na ako sa taong hindi ako nilulubayan ng tingin. Nakatiim ang bagang nito habang nakatikom ang labi.

"B-bumisita lang ako saglit. Akala ko kasi hindi ka na babalik—"

"But that doesn't mean you can go here and visit her." Pinigil ko ang hininga nang naglakad pa ito papalapit sa akin. Dalawang hakbang na lang at mauuntog na ang aking noo sa kaniyang baba. "You better not show your face here again. You understood, Ms. Mercado?" He lifted my chin with his right hand.

Malakas ang kabog sa aking dibdib. "B-but she's my bestfriend. Sana man lang kahit sa pagdalaw sa kaniya ay pagbigyan n'yo ako."

"Ang mga tulad mo ay dapat hindi pinagbibigyan." Tumalim ang malalim nitong boses kasabay ng bahagyang pagdiin ng kaniyang daliri sa aking baba.

Tons of thorns embraced my clenching heart. I did not dare to talk back anymore. Iniwas ko ang mga matang mahapdi at atubiling umatras. Nang makalayo sa kaniya ay nagmadali na akong humakbang paalis. Hindi ko na rin sinubukan pang lumingon dahil ramdam ko pa rin ang nakakapaso niyang tingin.


"MISS Mercado?" Boses sa intercom ang nagpabalik sa aking pagbabaliktanaw.

Wala sa sarili kong binasa ang natutuyong labi bago sumagot. Halos tampalin ko ang ulo.

I'm at work!

"Y-yes Sir Lindon?"

"Would you please bring me a coffee right now? I also need the documents I assigned you to review yesterday," banayad ang pagkakasabi nito taliwas sa kakambal niyang marahas at matalim kung magsalita.

Tumungo na ako sa pantry para gumawa ng kape. Halos kurutin ko ang pisngi nang muling lumitaw sa aking isip ang kaniyang mukhang kababakasan ng sakit at galit.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. It had been four months since I last saw him yet I was haunted everyday just with the thought of him. Hindi ako pinatatahimik ng konsensiya ko. Kung tutuusin ay marami silang may galit sa akin pero si Landon... siya ang tila nagawan ko nang malaking kasalanan sa lahat bukod sa magulang ni Brianna.

I just ruined his future with my best friend!

Marahas akong bumuga ng hininga bago inayos ang kape. Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Sir Lindon was busy signing some papers.

Lumapit ako sa kaniya. "Here's your coffee, Sir." Inilapag ko ang kape. Tumango naman siya habang hindi pa rin nag-aangat ng tingin. "Kunin ko lang po ang documents sa labas," dagdag ko at muling lumabas.

Bumalik din ako matapos ang ilang minuto. Marahan kong ipinatong ang mga dokumento sa kaniyang lamesa. Natigil siya sa ginagawa nang makita na ang mga kailangan. Pagod niyang isinandal ang katawan sa sandalan ng kaniyang upuan. Finally, he caught my gaze. Tila ibang tao ang nakikita ko sa mukhang iyon. Agad akong yumuko upang sana magpaalam nang minuwestra niya ang upuan sa harapan ng kaniyang mesa.

Nalilito man ay atubili akong umupo. Hindi pa rin tinatanggal ni Sir Lindon ang mga mata niya sa akin. Bigla akong nailang.

I heard him blow a loud breath. "How are you now, Ms. Mercado?" Kinunutan ko siya ng noo. Ikiniling niya ang ulo. "After... what had happened?" he lowered his voice.

Nagtataka man sa biglaan niyang pagtatanong ay ngumiti ako sa kaniya nang tipid. "M-maayos naman na ho Sir. Hoping that they'll forgive me soon."

Tumango siya bago ako muling pinakatitigan sa mukha. Hindi ko maiwasang kabahan sa kaniyang ginagawa.

Why was he staring at me like that? This was the very first time he asked me aside from work.

"My brother..." Simula niya matapos ang ilang minutong katahimikan. Naging alerto ako. I know he was referring to his twin. "He's getting better now. I just hope you can handle him well." Hindi ko masyadong naintidihan ang huli niyang sinabi. Amba akong magsasalita nang kinumpas na niya ang kamay. "You can go now, Ms. Mercado. Thank you for the coffee." His voice went back from being authoritative.

"S-sige Sir." Yumuko ako nang makatayo at agad ding lumabas ng pinto.

Napahawak ako sa dibdib sa biglaang pagkabog nito. Just with the thought of Landon again sent electric waves on my system. Napapikit ako nang mariin at tulalang umupo sa dating puwesto.

Landon was getting well now as Sir Lindon stated. I hope he'd be surely fine soon... and if that would happen, maybe he could finally forgive me.

Saktong pagpatak ng alas-kuwatro ay nag-ayos na ako ng mga gamit. Mabait na boss si Sir Lindon dahil hindi ito mahilig magpa-overtime sa kaniyang mga empleyado. That was also why most female employees here adored him. He was handsome and kind, so approachable and gentlemen. Kung iisiping mabuti, magkabaliktaran sila ng kaniyang kakambal.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang maisingit muli si Landon sa isip.

Heck, I should stop thinking about him!

Lumabas na ako ng Sandoval Enterprises building. Tatlong taon na rin akong nagtatrabaho rito matapos kong maka-graduate. Si Brianna ang nagrekomenda sa akin dito dahil kaibigan na niya ang kambal noon pa man... at wala pa silang relasyon ni Landon no'ng mga panahong iyon.

Nagtaka ako no'ng una bakit hindi Grenaige Group of Companies ang pangalan ng kompanya ngunit kalaunan ay nadiskubre kong kompanya pala ng kanilang ina ang inaasikaso nilang kambal dahil ang GGOC ay hawak ng kanilang panganay na kapatid. Silang kambal ang nagpapatakbo ng kompanya ngunit bago pa man ako magdalawang taon ay umalis ng kompanya si Landon at nagpatayo ng sariling negosyo. Kaya't si Sir Lindon na ang tuluyang naging CEO ng kompanya.

"Hi babe." Halik sa pisngi ang nagpatigil sa aking pag-iisip. Nakita ko ang nakangising si Niel habang hawak ang extra helmet. "Saan naman tayo ngayon?" He asked as he handed me the helmet.

I heaved a sigh before shaking my head. "Ayaw ko munang gumala. Pagod ako," turan ko bago sumakay sa kaniyang motor.

A month after Brianna's death, Niel and I came back together. Tanga na siguro akong maituturing dahil pagkatapos akong niloko ay bumalik pa ako sa kaniya pero pinilit ako ng kaniyang mga magulang na makipagbalikan dahil muling bumabalik ang bisyo ng anak nila. Hindi ko naman sinasabing napilitan akong makipagbalikan pero may kalahating parteng ganoon nga ang nangyari at kalahati naman ay ang kagustuhan kong ayusin ito kung maibabalik pa ba sa dati. We were college sweethearts after all.

But as days passed by... I was getting into a realization that my love for him was starting to fade away. Every time I look at his eyes, it seemed like I didn't feel the spark anymore. Maybe because his eyes reminded me of all the lies he created while he was cheating on me.

Bumaba na ako ng motor nang makarating kami sa tapat ng bahay. Ibinalik ko ang helmet sa kaniya at umatras nang ilang hakbang. Bumaba rin siya ng motor at tumingin sa akin.

Ngumiti ako nang tipid. "Salamat sa paghatid. Pasok na ako," sabay turo ko sa gate.

He pouted his lips a little bit. Kung dati ay napapatitig ako roon, ngayon ay halos hindi ko na iyon matingnan. Those lips reminded me on how he passionately kissed another woman with my naked eyes. Napailing na lang ako sa mga iniisip.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Malambing niyang sambit.

Napakamot ako sa gilid ng gilid ng tainga. Sinundan niya ng iyon tingin. "U-uh. Hindi kita mahaharap dahil magpapahinga na ako. Sorry, Niel."

Ipinatong niya ang aming helmet sa ibabaw ng kaniyang motor bago humakbang palapit sa akin. He caressed my cheeks while looking at me in the eye. I could feel his desire but I felt... nothing.

"Okay, I understand you're tired from work." He kissed me on the lips. I did not respond. Tumigil siya at kunot-noo akong tiningnan. Nag-iwas lang ako ng tingin. "Go inside now."

Tumango na lang ako at tumalikod na para pumasok sa loob ng gate.

Ruined ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon