Kabanata 15

4.1K 106 11
                                    

ISANG linggo ang matulin na lumipas. Mas lalong napapadalas ang aming pag-uusap ni Nato sa chat na siyang ikinatutuwa ko dahil hindi ko na masyadong nabibigyang pansin si Landon. Si Niel naman ay balik na naman sa dati, walang pakiramdam. Nawalan na rin ako ng pakialam. Hinihintay ko na lang ang araw na siya na mismo ang makipag-break sa akin. Nakakasawa rin pala kung ano ang mayroon kami.

"'Lo kapit lang tayo ha? Dalawang linggo na lang at ooperahan ka na," marahan kong kinuha ang kamay nito at inilapat sa aking pisngi. "Gagaling ka na po pagkatapos niyon. Basta laban lang tayo!" masigla kong dagdag.

Nandito kami sa likuran ng bahay at nakaupo sa bench na nasa silong ng nag-iisang mangga roon. Katabi namin si Gandara na hawak-hawak ang mga gamot ni Lolo. Linggo ngayon kaya't lahat ng atensyon ko ay nasa kaniya naman.

Ngumiti sa akin si Lolo nang marahan. Kita ko kung paano pa mangislap sa luha ang kaniyang mga mata.

"S-salamat apo..." gagap nito sa aking kamay at mahigpit na hinawakan iyon.

Tumango-tango lang ako bago ko siya hinalikan sa noo. "I love you 'Lo," malambing kong usal.

Natawa ito nang mahina. "Mahal din kita apo."

Natapos ang buong araw naming nagkukulitan sa likod ng bahay. Pinakanta ko pa si Lolo ng paborito niyang kanta noong kabataan niya na "A one and a million". Panay din ang pagkuha ko ng pictures at pinost iyon sa facebook. Panay pa ang heart react ni Nato roon.

Nato:

How's your day?

Iyon ang bumungad sa akin nang buksan ko ang messenger.

Agad akong napatipa habang idinapa ang sarili sa kama. Maayos naman! Ikaw?

Nato:

Just fine. I wish I see you right now.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi.

Kailan ka ba magpapakita sa akin? Dalawang linggo na lang at surgery na ni Lolo. Natatakot akong gastusin ang pera mo.

Nato:

When the surgery was done, I'll show myself to you.

Agad tuloy akong naatat.

I'll look forward to it!

Kinabukasan ay maganda ang pakiramdam kong pumasok sa opisina. Malugod kong binati pabalik ang mga nakasalamuha. Maging ang seryosong mukha ni Landon ay hindi ko na inalintana. I was feeling happy today and I wanted to spread my goodvibes.

Alas-nuwebe nang umaga nang tumawag ang nasa front desk sa telepono. Agad ko iyong sinagot.

"Yes, Nicka?"

"Hi, Arisha! Pakisabi naman kay Sir Landon may bisita siya. Kakilala niya raw at gustong makausap si Sir kaso walang appointment dito."

"Ano raw ang pangalan?" Tanong ko at hinanda na ang sariling magsalita sa intercom.

"Nato raw eh. Ayaw ipasabi apelyido." Natigilan ako sa narinig sa kabilang linya.

Bigla ay kumabog ang nananahimik kong puso. "N-Nato?"

"Oo, Nato raw ang pangalan. Pakitanong naman kung papataasin na ba namin?"

Rinig ko pang nagsasalita si Nicka sa kabilang linya pero tila nabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib. Marahan ko iyong hinawakan, pilit pinapakalma. Nato? Alam kong hindi lang iisa ang Nato sa buong mundo, pero posible kaya?

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nanginginig ang mga hakbang na tumungo sa opisina ni Landon. Baka itong Nato'ng kakilala ni Landon at ang Nato'ng nakakachat ko ay iisa lang. Kailangan kong makasigurado kung tama nga ba ang hinuha ko.

Ruined ✔Where stories live. Discover now