Kabanata 5

3.8K 89 13
                                    


"MISS Mercado, I need the newest revision of the contract with Mr. Calmiente. Now." Napairap ako sa kawalan nang marinig ang bilin ni Sir Landon sa intercom.

Nagngingitngit sa kalooban kong kinalkal sa drawer ang dokumentong itinago ko noong nakaraan. Hindi ko ba alam kung sinasadya niyang halos 'di ako pagpahingain sa trabaho o sadyang masyado lang siyang dedikado sa pagiging CEO.

Mahigpit kong hinawakan ang folder na dala at hindi na kumatok pa sa pintuan. First day pa lang niya bilang CEO pero drained na ako sa pinag-uutos niya!

"Heto na 'yong kailangan niyo Sir." Hindi ako tumingin sa kaniya at nakatingin lang sa dulo ng lamesa.

Nakita ko sa aking peripheral vision na binuklat nito ang folder, pinasadahan nang kaunti bago inihilatsa sa aking harapan. Muntik na akong mapatalon.

"Is that the one I requested?" mababa ngunit mariin niyang saad. "It's the old version Ms. Mercado. Are you even listening to me?"

Tiningnan ko ang folder at napakagat-labi nang mali nga ang folder na nakuha ko. Humugot ako nang malalim na hininga, pinapakalma ang sarili. Hindi na nga ako nakapag-lunch dahil puro utos niya ang inaatupag ko tapos sesermunan pa ako?

"I-I'm sorry Sir. Titingnan ko po ulit." Bahagya akong yumuko at dali-daling umalis.

Halos mapasabunot ako sa buhok pagkalabas at nagdadabog na kinalkal ang mga dokumento sa lalagyan. Panay ang mura ko sa isip. Nagugutom na rin ako kanina pa!

Bumalik ako nang masigurong tamang folder na ang kinuha ko. Kinuha niya iyon mula sa akin at bahagyang tumango. I heaved a sigh of relief.

"You can go now." Suplado niyang pantataboy. Pinigil ko ang sariling umirap sa kabila ng kaba na nadarama. Tumalikod na ako at mabibilis ang hakbang na tumungo ng pinto. Saktong paghawak ko ng doorknob nang muli niyang tinawag ang apelyido ko. "Can you please give it to Mrs. Garcia for final evaluation?"

Tinikom ko ang labi at muling bumalik sa kaniya para kunin ang folder na tiningnan niya lang pala. He was watching my every move and reaction alternatively.

Binigyan ko siya ng isang seryosong sulyap. "May ipag-uutos pa po ba kayo pagkabigay ko nito? Sabihin n'yo na nang isahan ko na lang pong gawin." Hindi ko na napigilan ang bibig.

Kalmante itong sumandal sa swivel chair at humalukipkip habang unti-unting tumatalim ang kaniyang titig. I even saw how his jaw clench.

"Nagrereklamo ka?" Magaspang niyang tanong.

"Hindi Sir."

"Good. Because if you are, you're free to leave. I don't need incompetent employees."

Hindi ko na lang siya tinugon sa sinabi niyang iyon. Hindi ko man sabihin ay ramdam ko namang galit pa rin siya sa akin. And he was taking his position as CEO to treat me like this!

SIMULA nang pumalit si Landon bilang bagong CEO ay naging abala na ako masyado sa trabaho. Nakalimutan ko na ang planong paghingi sa kaniya ng tawad dahil sa ginagawa niyang pagpapahirap sa akin.

Ilang beses ko siyang gustong harapin at tanungin kung bakit sa akin lang siya mahigpit at maraming iniuutos pero pinigil ko na lang ang sarili. I deserved this kind of treatment from him anyway... and I hope, in this way he'd finally forgive me.

Walang mintis ang pagdalaw ko kay Brianna tuwing hapon ng linggo. Iyan na ang naging schedule ko dahil hindi ko na kailanman nakita o nakasalamuha si Landon doon.

Tumunog ang intercom at agad akong naging alerto. "Coffee."

Muntik na akong makatulog dahil sa puyat kagabi. Tinapos ko lang naman ang halos higit sa tatlumpong dokumentong ipina-type niya sa Microsoft Word. Nang binasa ko nga ang mga nakasulat doon ay parang hindi naman masyadong importante para i-record pero ginawa ko na lang.

Ruined ✔Where stories live. Discover now