Kabanata 9

3.4K 88 10
                                    


ANG dating ilang kong nararamdaman ay mas lumala pa habang lumilipas ang mga araw. Araw-araw na ring laging may babae sa opisina ni Landon at paiba-iba pa!

Hindi ko na rin sinubukang sumilip sa pintuan niya tulad ng dati kong nakaugalian kay Sir Lindon dahil ayaw ko na uling magulantang sa mabubungaran. Habang patagal nang patagal ay lalo akong nandidiri sa kaniya.

Sana ay hindi siya magkasakit sa pinaggagagawa niya!

Tumunog ang intercom. Napaayos ako ng upo at nag-abang ng ibibilin niya tungkol sa trabaho. Wala siyang ni isang meeting ngayon na ipinagpasalamat ko. Hindi ko kayang magsama na naman kaming dalawa dahil hindi ako nakakatagal sa presensiya niya.

"Lunch for two," aniya sa kabilang linya bago iyon pinatay.

Napairap ako sa kawalan bago padabog na kinuha ang telepono at nag-order ng dalawang pagkain tulad ng sinabi niya. Paniguradong kailangan nila ng maraming pagkain ngayon dahil nagsayang na naman sila ng enerhiya.

Pang ilang babae na ba niya 'yan? Hindi ko na mabilang.

Nang dumating ang pagkaing in-order ko ay binuhat ko na iyon at ipinunta sa kanila. Sa mga ganitong oras ay alam kong tapos na sila sa kababuyan nila dahil ganoon ang lagi kong napapansin. Magtatagal ang babae niya sa loob ng opisina hanggang lunch pagkatapos ay aalis na.

"Here's the food Sir," bahagya akong yumukod dahil ibinababa ko ang tray ng pagkain sa mesa.

Narito siya ngayon sa visitor's area at nakabukaka ang mga hita habang ang mga braso ay nakalapat sa sandalan ng sofa'ng kinauupuan niya. Iginala ko ang tingin sa loob dahil hindi ko makita 'yong blonde na babae.

"She's asleep." Sagot niya sa pipi kong katanungan at nginisihan ako.

Nagkibit-balikat lang ako at tumayo na nang tuwid matapos ilapag lahat ng pagkain sa mesa. "Aalis na ho ako. Tawagin n'yo na lang po ako ulit kung may iuutos kayo," magalang ko pa ring wika.

Nagsimula na akong tumalikod nang muli siyang nagsalita. "Have you decided?" Mapaglaro niyang tanong.

Tumigil ako sa paghakbang at matalim siyang nilingon. "My decision is still the same, Sir." Binigyang diin ko ang pagkakasabi.

Kahit araw-araw niya akong tanungin tungkol sa hinihingi niyang kapalit ng magiging kapatawaran ko ay mas mabuting huwag na lang niya akong patawarin kahit kailan!

"Just in case you're tired of seeing different women every day." He shrugged his shoulders. "I assure you, you will be the only woman once you agree with me."

"I don't care." Matabang kong agap.

He hummed a little. "Okay, I still wait for your 'yes' though."

Gusto ko siyang sukaan sa mga pinagsasabi niya. Napakakapal ng apog niya! Sa tingin niya ganoon ako kababa para patulan ang sinasabi niya?

"Still a no."

"What if I tell you that your boyfriend is playing fire with someone behind your back?"

Hindi ako nakapagsalita sa kaniyang sinabi. Tuluyan akong humarap sa kaniya at humalukipkip. Mas lalong tumiim ang kaniyang titig. I was wearing a v-cut long sleeve polo and the usual pencil cut skirt.

"Alam ko na 'yan Sir," ngumisi pa ako sa kaniya.

Tumaas ang kaniyang kilay. "I see. Since when?" Ngayon ay nagde-kwatro na siya.

"That was already four months ago," nanghahamon kong sagot.

He played his lips while looking intently at me. Gusto kong pagalitan ang sarili dahil sa kakaibang nararamdaman dala kaniyang paninitig.

Ruined ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon