Prólogo

820 30 15
                                    

"Mahal kita, Jimena." Diretso ang tingin niya sa akin at walang kurap ko rin siyang tinitigan pabalik.

As the winter turns into spring and the withering flower suddenly blooms, it is true that a broken heart can only be cured by a pure love. That is what happened to me.

And now here he is, confessing his true feelings for me. How I wish it is just that simple.

"What are you talking about?" Ako na ang unang nagputol sa nangyaring titigan namin. Tila nalulunod ako sa intensidad ng titig niya at kung makikipagtitigan pa ako ng mas matagal ay maari ngang hindi na ako makapag-isip pa ng maayos.

"Mahal kita. I love you. Te amo, Jimena," sunod-sunod niyang wika. Napailing na lamang ako at akmang tatayo na galing sa pagkakaupo ngunit singbilis pa sa tibok ng puso ko ngayon ang paghawak niya sa palapulsuhan ko upang hindi ako makalayo dahilan upang mapaharap akong muli sa kanya.

He stood up, towering over me.

"Alam ko naman na nabigla kita pero ayoko naman na isipin mong laro lang 'to sa akin."

Muli akong nag-angat ng tingin sa kanya dahilan upang magtagpo muli ang aming mga mata.

"I'm sorry," wika ko at napayuko na lamang.

"Bakit ka humihingi na tawad?" aniya at hinawakan ang baba ko at inangat upang mapatingin akong muli sa kanya.

How can this man makes my heart flutters nonstop?

"Hindi naman kita minamadali. Handa akong maghintay kung kailan mo rin ako mamahalin. Ano ba naman ang konti pang panahon kumpara sa halos sampung taon kong paghihintay sa'yo?" He smiled just to assure me.

"That's the problem, Javier!"

Nabitawan niya ako sapagka't nagulat siya sa hindi niya inaasahang pagsigaw ko.

"I don't want you to wait for me. Ayoko na ako na lang lagi ang iniisip mo. For once, even just this once, Javier, sarili mo naman ang intindihin mo. Don't waste time with a brat like me dahil wala ka ring mapapala," may diin kong wika sa bawat salitang aking binitawan.

"Jimena, ikaw ang mundo ko. Paano mo nasasabing huwag kitang hintayin kung ako mismo ang may gusto nito?"

Napailing na lamang ako sa kanyang tinuran.

"Are you still not over him?" mahina niyang tanong kaya napatingin akong muli sa kanya.

"Maybe, hindi pa nga pero sana huwag mo naman akong pagbawalan na mahalin ka."

If you just knew. If you just knew kung gaano rin kita kamahal pero alam ko na I will be the reason of your biggest downfall and I am here to prevent that.

"Hindi mo kasi naiintindihan."

"Then let me understand," frustrated niyang saad.

"Ayoko sa'yo at kahit kailan hindi kita magugustuhan. Akala mo ba ay ginusto ko na maging kaibigan ka? Well, I'm sorry dahil wala lang akong matakbuhan kaya ikaw ang sinandalan ko. Now that I'm ok. I think I don't need you anymore. Please lang, huwag mo na akong guluhin, iyon ang kahilingan ko sa'yo," saad ko habang nakatingin nang diretso sa kanyang mga mata.

"Ginamit mo lang pala ako," aniya at nagpakawala ng mapaklang ngisi.

Yes, it's better na isipin mong user ako para mas madali kang kumawala.

"Ayaw mo sa akin. Well, I'm going to do you a favor, señorita. You won't gonna see this face ever again," sabi niya at nilampasan ako dahilan kung bakit wala ng katapusan sa pag-agos ang luha kong kanina ko pa pinipigilan.

Pati ang mga tuhod ko'y bumigay na rin dahil sa sakit na nararamdaman.

Mahal din kita, Javier.

'Yan ang mga salitang nais kong bitawan pero alam kong hindi puwede upang maisalba kita sa pagkalunod.

Adios, Javier, hasta que nos encontremos de nuevo.

(Goodbye, Javier, until we meet again.)

Sincere LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang