CHAPTER 70: RED ROSES

93 6 0
                                    

KENDRIX'S POV

*EARLIER...*

Tawag sa messenger ko ang gumising saakin. Nagmadali kong  kinuha ang phone ko para tignan kung sino yung tumawag. Agad kong sinagot yung tawag ng makita ko na si mom pala yung tumatawag.

*FACETIME CONVERSATION...*

"Hi mom! Good morning! Bakit po kayo napatawag?" Bungad ko.

["Good morning nak! Wala lang,  gusto lang kitang kamustahin. Kamusta ka?"] tanong ni mom.

"Okay naman po mom." Nakangiting sagot ko.

["Mabuti naman kung ganon nak. Anyway maiba ako. Kailan mo ba balak magtapat ng feelings mo para kay Athena? Baka maunahan kana ng iba diyan oh!"] sabi ni mama.

"Pero mama, nag hahanap pa po ako ng perfect timing para umamin." sabi ko.

["Eh kailan pa nak? Pag huli na ang lahat? Kung ako sayo nak, aamin na ako bago pa mahuli ang lahat nak. Sige ka. Baka maagawan kapa."]

Tama si mama. Dapat umamin na ako kay Athena bago pa mahuli ang lahat. Ayoko naman na maagawan pa ako kay Athena eh. Dapat umamin na ako as soon as possible.

"Okay po. As soon as possible po. I have to go mom! Bye!" Sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang sagot ni mom at pinatay nalang yung tawag. Nag madali akong tumakbo papunta sa kwarto ni Athena. Kakatok na sana ako sa pinto ng kwarto niya ng marinig ko na kausap niya si Calyx.

"Ah wala naman Athena. Gusto lang kitang batiin ng good morning tapos para makita narin kita. Mas maganda kapa sa umaga eh." sabi ni Calyx.

Nako! Kahit kailan talaga epal ang lalakeng to! Sarap basagin ng mukha eh. Hindi ko na tinapos ang pakikinig at nagtimpla nalang ng kape. Dahil sa sobrang inis ko, hindi ko na namalayan na tumatapon na pala yung kape. Ewan ko ba! Hindi ko alam kung bakit wala ako sa sarili ko ngayon. Basta ang alam ko lang, naiinis ako ng sobra kay Calyx. Maya maya pa, lumabas na si Athena sa kwarto niya na parang tuwang tuwa. Pero nung nakita niya ako, bigla nawala yung ngiti sa mukha niya at tinignan ako na parang ewan.

"Bakit ganyan ka makatingin ha? Ano ba yung problema mo? May dumi ba ako sa mukha ko?" tanong ko habang nakatingin sakanya ng may blankong reaction sa mukha.
"Ako? Nakatingin sayo? Hindi noh! Bakit naman kita titignan. Yung sticker yung tinitignan ko hindi ikaw. Ang aga aga, ang assuming neto. Kaloka!" Sabi niya.

Paalis na sana si Athena ng bigla akong  nag salita.

"Edi kunin mo. Idikit mo sa katawan mo kung gusto mo. Sayang naman eh." sabi ko habang may blankong reaction sa mukha.
"Bakit ba ang sungit sungit mo? Eh ang aga aga pa eh. Tinotopak kana agad? Bakit? MAY REGLA  KABA?" tanong niya..

Biglang kong naibuga yung iniinom kong kape ng dahil sa sinabi niya.

"ANO? HINDI NOH! BAKIT NAMAN AKO MAGKAKAROON NG REGLA HA? EH WALA NAMAN AKONG MATRES! NABABALIW KANA BA?" Gulat na tanong ko.

Bigla niya akong tinignan na parang ewan ng dahil sa sinabi ko.

"Eh bakit ba kasi ang sungit sungit mo? Ang aga aga pa oh. Kaloka to. BALIW!" Sabi niya.

Hindi niya ba napapansin na nagseselos ako? Bakit ang manhid manhid ng babaeng to? Bakit hindi niya manlang maramdaman na nasasaktan ako every time na sobrang sweet nila sa isat isa? Kulang nalang nga umiyak ako sa harap niya para malaman niya na nasasaktan ako. Hay ewan! -______-

Maya maya pa, bigla siyang tumakbo papunta sa veranda. Hala? Baka nag tampo yung si Athena  ng dahil sa mga sinabi ko. Kailangan kong magisip ng paraan para hindi na siya magtampo saakin. Nagmadali akong tumakbo papunta sa veranda para kausapin siya.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon